Chapter 23

458 35 0
                                    

Azaiah's Pov

"I really cant understand. Bakit biglaang nawala yung intuition ko? Wala akong mabasa ni isa sa isip ng lahat"

Pauulit ulit na tanong sa isip habang nag lalakad sa may daan. Papunta sa kinroroonan ni Harley.

Siya palagi ang takbuhan ko kapag maraming katanugan sa isip ko. Naging malapit na kami at komportable na akong kasama sya simula noong sinabi kong hanggang mag kapatid lang ang turingan namin. Mas ikinasaya ko naman ito dahil nga sa naintindihan nya at mas naging malalim pa ang samahan namin.

Kung tutuusin, hindi naman sa napapangitan ako sakanya, makitas sya, napaka bait ngunit, sadyang hindi ngalang talaga ayon ang tadhana saamin kayat mas minabuting kapatid na lamang ang turingan namin.

Palagi nalang ganito. Unti unting nag lalaho ang kakayahan kong mag intuition. Pero papano?

Wala naman akong alam kung bakit? At kung meron man , papaano nya nagagawa ang mga to?

Nasa kalagitnaan na ako ng pag lalakad sa may kakahuyang daan noong biglang umihip ang hangin. Hindi ko mapigilang hindi mapapikit sa tuwing nararamdaman ko ito.

Nag patuloy na ako sa pag lalakad hanggang sa isang boses ang narinig ko.

Halos hindi ko mapigilang hindi mapangiti pag ka rinig ko sa napaka kalmadong tinig nito.

"Maaring bang sumama ako?"

Kaagad naman akong lumingon para kumpirmahin kung sino man yung nag salita at tama nga hindi ako nagkamali.

Bumungad sa aking harapan ni Lark. Naka jeans ng black stoned bleach at t shirt lang ng puti na hapit sa kanyang katawan.

Nakapa kisig nyang tignan.

"Bakit ka nandito?"

Tanong ko naman matapos itong maka lapit saakin

"Napadaan lang"

Sagot naman dito dahilan para titigan ko sya habang nag lalakad.

Sinubukan kong basahin ang isip nya.

Akala ko mabibigo muli ako ngunit,

Halos mapahinto at mapangiti ako sa nabasa ko.

"Oh bat ganyan ka makatingin?"

"Napadaan?"

Tanong ko saka lumapit ulit sakanya at nginitian.

Halos hindi ito makitingin saakin ng direkta habang nag lalakad at panay ngiti lang ang aking nakikita sa kanya.

"Alam kong nabasa mo na ang nasa isip ko."

Panimula nito dahilan para mapangiti ulit ako

"Di a"

Dahilan ko naman saka binulsa yung mga kamay ko sa likod ng jeans ko saka tumingala sa himpapawid at ngumiti.

"Oo na. Alam mo namang hindi kita matiis."

Bulalas ulit nito saka kinabig yung kanang kamay ko at niyakap ako habang nag lalakad

Nag papa ka sweet ang loko. 

"Tama na. Magagalit nanaman sayo si Jethro pag nakita ka nya"

Paalala ko naman sakanya noong niyakap nya ako.

Oo. Minsan palagi silang walang kibuan kapag niyayakap ako ng isa sa kanila mapa kay Harley man o Blaze, kapag nakita nyang naka yakap ako, siguradong mag tatampo nanaman.

"San ba punta ng mahal kong hari?"

Tanong ulit nito pag ka kalas nya sa pag kakayakap saakin.

Madalas kong naririnig sa kanya ang mga tinig nayan.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon