Chapter 24:

406 37 1
                                    

Happy 1k likes guys! road to 2k na. salamat sa pag supporta! i owe you a lot lalot matagal tagal akong indi nag update. so eto na. 😊😘 enjoy!

Someones's Pov


"wag mong hintaying tawagin kitang inutil sa mga kapalpakan at mga katangahan mo! Tandaan mong halat ng oras na napag usapan natiy may kapalit!"


Sigaw nanaman ng nakakabinging pinag sisilbihan ko. Isang malaking gulo at pag kakamali itong pinasok kong gulo ngunit, nararapat ko lamang itong tapusin ng sa gayoy matiyak kong nasa kaligtasan sya. Kung kinkailangan mang mawala ang mga elemento para lang maprotektahan sya'y gagawin ko.

" patawarin nawa ako ng mahal na reyna at kamahalang Drieko sa gagawin kong ito"

Muling sambit ko bago mag laho at tumungo sa susunod kong hakbangin.

"patawad"


Harley's POV


Umaga nanaman, at parang wala namng pag kaka abalahan ngayon kaya nararapat lamang na mag relax at mag pahinga.


" haay"


Malalim na buntong hininga ko saka tulyan ng lumabas sa aking bahay at kaagad tinungo ang balkonahe. Nasa kalagitnaan ako ng pag maman man sa mga halaman sa di kalayuan noong mapansin kong may kakaibang enerhiya sa paligid.


Hindi ko lubos mawari ngunit kasing amoy ito ng enerhiyang lumapas tangan kay Blaze noong nakaraang lingo.


Kung sya nga iyon? Ano namang sadya nito?
Kaagad akong umayos at nag handa kung sakali mang mag hahsik ito ng hindi maganda saakin baago ako tuluyang lumabas patungo sa palagi naming tinatambayan ni Azaiah sa aking bakuran.


Akmang uupo na sana ako noong biglang isang pwersa ang dumampi sa aking tagiliran dahilan para mamanhid ang aking katawan at tuluyan ng hindi makagalaw sa sakit.


"ahhrrrgg!!"


Mura ko at halos umagos na ang luha sa mga mata ko.
Akmang tatayo na sana ako noong isang itim na usok ang tumambas sa aking harapan na nag katawang anino ng tao.

Handa nanaman sanang ihataw nito ang kanyang armas ngunit agad na akong umilag at tinangkang lumaban ngunit laking gulat ko noong kaagad itong nawala at kaagad napunta sa likod ko.


Isang malakas na atake ang pinakawalan nito dahilan para dumausdos ako sa lupa ng pag kalakas lakas. Halos hindi na ako maka galaw sa aking kinatatayuan.

"ano bang kailangan mo sakin! Sino kaba!"

Sigaw ko sakanya habang naka higa ako sa lupa. Duguan at sugat sugat na ang aking katawan.


Ngunit imbes na tugon ang isagot nito saakin ay isa nanamang mahika ang kanyang ginawa dahilan para mamilipit ako sa sakit.

Parang pinipiga ang aking katawan habang unti unti akong umaangat sa himpapawid.

"ahhrrggg!! Tama na!!!"


Pag susumamo ko ngunit wala parin itong tigil sa pag papahirap saakin. Ramdam ko rin na parang may hinihigop itong enerhiya sa katawan ko na nag papawala sa aking lakas hanggang saaking ulirat.


" tama na Je—"

Huling wika ko ngunit sinakop na ng itim na kulay ang aking panigin.

to be continued---

okay guys so medyo short charpter lang yan ha? but i will be publishing 3 chapters SIGURO this day depende sa lakas ng connection through internet. so ayan salamat sa support! godbless and keep voting and comment syempre for rapid updates! slamat!


ps. next chapter? there will be revelation and also a hint of betrayal. 


 stay tuned!

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesWhere stories live. Discover now