Chapter 27: Permission

40.2K 481 103
                                    

Eto na naman.

May pasok na naman.

Umiiwas na ako kay Kara at Enzo hanggat maari.

Medyo mahirap.

Kasi itong si Enrique baliw!!!

Inaasar ako paminsan-minsan kay Enzo.

Lalo na kapag wala si Kara.

Eto nga eh, andito sa canteen.

Kasama ko si Enrique at Enzo.

Si Kara kasi kausap pa yung teacher namin.

Si Bam naman madalang ko na makasama.

May bago na kasi syang barkada. Hinayaan ko na lang.

Mababait din naman mga barkada nya eh.

Wala naman si DJ syempre, magkaiba naman kami ng klase eh.

EQ: "Hoy! Ang tahimik nyo namang dalawa!"

Nagtaas sya ng paa sa may upuan.

Hinampas ko paa nya para ibaba nya.

"Hoy! Nasa school ka, wala sa bar!"

EQ: "Uy, masama ang gising ni mam! Yes po mam!"

"Che!"

EQ: "Bakit, magkagalit na naman ba kayo ni Sir?"

"Ano?!"

EQ: "Ayan oh!"

Tinuro nya talaga sa mukha si Enzo.

Napataas nga ng kilay si Enzo eh.

EZ: "Hyper ka na naman pre!"

Sabay tawa ni Enrique.

Daig pa naka-droga oh.

"Oo nga! Tumigil ka nga."

EQ: "Bakit ba ang dalas nyong di mag-usap mam? Dahil ba may gf na si Sir? Ayos lang yan, uso ang mistress sa panahon ngayon"

Tumayo ako at kinutusan ko sya sabay balik sa upuan ko.

"Baliw ka!"

Habang hilot-hilot nya yung ulo nya.

Sira ulo talaga to.

EZ: "Ui Enrique, tigilan mo na nga yang si Kola. Tingnan mo at napipikon na yan sayo"

EQ: "Nagbibiro lang naman ako eh, guilty?"

Akmang susuntukin ko sya ng inawat ako ni Enzo.

EZ: "Yaan mo na yan Kola. Nagdo-droga ka ba?"

EQ: "Tanga mo mg-isip dre! Asa namang mag-droga ako!"

EZ: "Sabagay, lagi ka namang ganyan eh. Tigilan mo na si Kola, kung hindi, ako na babanat sayo."

EQ: "Naks! Ang sweet!"

"Abaaaa!"

EQ: "Di na nga po Mam. Promise! Makabili na nga muna ng makakain. Gutom na ako eh" nakangiti lang sya ng pang-asar sabay tayo.

Napa-iling na lang ako.

Biglang nagsalita si Enzo.

EZ: "Pasensya ka na kay Enrique ha."

"Sus, sanay na ako."

EZ: "Nga pala Kola. Ano nga ulit yung plano mo na sa darating na sembreak?"

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon