Chapter 67: Promise

27.8K 460 66
                                    

Pauwi na kami.

Madaling araw na.

Katatapos lang ng JS Prom.

Nauna umuwi sina Kara kagabi.

Pero walang bakas na pinaalam nya sa parents nya ang nangyare.

Pagkatapos magpaalam ni Enzo sa magulang ni Kara kahapon.

Saka naman nya ako hinatid.

EQ: "Umamin na pala kayo."

"Oo, nagulat nga ako kay Enzo."

EQ: "Mabuti na rin yun para naman hindi na umaasa si Kara."

"Ang problema lang ay kung paano namin haharapin ang lahat."

Niyakap ako ni Enzo.

EZ: "Kayang kaya yan!"

"Hmmmn."

EZ: "Float, basta wag mong kakalimutan. Lahat ng ginagawa ko ay para sayo. Wag kang mag-alala. Di naman kita iiwan."

EQ: "Tigilan nyo nga yang yakapan na yan sa harapan ko."

Tumawa ng palihim si Bam.

B: "Bitter lang yan. DI kasi sinipot nung date nya."

EZ: "Di dumating? Parang bago yata sa pandinig ko yan ah? Lagi pa man din ikaw ang nang-iinjan."

EQ: "Ah eh, ano lang. Siguro may emergency."

EZ: "Hindi ka man lang sinabihan kung bakit di pumunta?"

Umiling si Enrique.

EZ: "Well bro, panahon na para magbago ka. Kinakarma ka na."

B: "Feeling kasi lahat ng babae mapapasa kanya."

EQ: "Bakit, hindi nga ba?"

B: "Hell No!"

EQ: "Baka kainin mo ang salita mo."

B: "Never akong magkakagusto sayo duh?!"

EQ: "May sinabi ba ako na ikaw?" his smile teases Bam.

Namula naman si Bam.

B: "Che!"

Speechless :P

Anyways.

Si DJ ang tahamik.

"Ok ka lang DJ?"

DJ: "Ah eh, oo."

Parang ang tamlay nya.

At parang tulala kanina.

EZ: "May problema ba DJ?"

DJ: "Wala, wala. Pagod lang siguro."

"Kanina ka pa tahimik?"

DJ: "Ah wala, wala yun. Andito na pala ko sa tapat ng bahay namin. Una na ako ha? Goodmornight guys."

Pumasok na sya sa loob ng bahay nila.

Nagtataka kami.

Okay naman sya kanina.

Hmmmn.

Pumasok na ako sa loob ng bahay namin.

Si Bam nauna na sa kwarto ko.

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon