Chapter 46: Chances

36.1K 515 89
                                    



"Ha?" O.O

Ito namang si Andre..





A: "Ano pwede ba?"

Napalunok na lang ako.

Di makapag-salita.

Napatingin ako kay DJ.

Nagkibit balikat naman sya.



Tapos kay Enzo.

Poker Face lang.





"Ah Eh..."

A: "Oo o Oo lang ha" sabay smile.





EZ: "Desididio ka ba dyan?" sabay akbay sakin..

EZ: "Kung liligawan mo tong kaibigan ko, kailangan makapasa ka muna samin ni DJ."

-_________-



DJ: "Kay Enzo lang."

EZ: "Ako lang?"

DJ: "Oo."



"Teka, teka. Andre..."

Lumapit ako at bumulong sa kanya.

"Bakit naman di mo na lang sakin sinabi, bakit kailangan mo pang sabihin sa harap nila?"

A: "Syempre para malaman nila na maayos ang intensyon ko sayo, diba?"

Di naman nagsalita yung dalawa.



Hinila ko si Andre sa labas.



"Andre naman.."

A: "Bakit, masama ba yun? Dahil ba..."

"Wag mo ng ituloy, kung ano man yun.. Hindi yun.."

A: "Oh, bakit parang nagagalit ka sakin?"

"Hindi naman kasi tama yun, dapat satin na lang dalawa. Paano kung tumanggi ako, eh di napahiya ka sa kanila?"

A: "So ibig sabihin pumapayag ka magpaligaw sakin?"

"Ha?"

A: "Sabi mo yan ha!!!!!"

ANO DAW?!?!



Pumasok na sya sa loob.

Ako naiwang nag-iisip.

May sinabi ba ako na pumayag ako!?

Arggg.



Pumasok na rin ako sa loob.



Nakatingin sila sakin.

Ako nakakunot lang ang noo.







__________







Maya-maya umalis na rin sila.



Nakahinga na rin ako ng malalim.



Bakit ganon -_____-



Dumagdag pa naman sa problema itong si Andre eh.







Lumabas ako..

At nagpahangin sa labas.

Gabi na.

Kaya medyo walang tao sa labas.

Ano ba naman yun..





"Pssssssst"

Lumingon ako...



Guni-guni ko lang siguro..



Sumubsob ako sa tuhod ko.





"Psssst, psssst!"

Tumingala ako.



Lumingon ulit.



Arggg..





Wala naman.

Minumulto na yata ako eh..



Leche naman...





"PSSSSSSSSSSSSSSTTTTTT.." Sabay tinamaan ng bote ng mineral water na walang laman, ako sa ulo.



"Sino ba yan ha?!"



EZ: "Kalma lang, highblood agad eh."

"Akala ko kung sino eh,ikaw lang pala Enzo."



Tumabi sya sakin.

Nagtatago sya dun sa isang puno.

Baliwers talaga..



EZ: "Bakit nasa labas ka pa?"

"Papahangin lang."

EZ: "Papahangin? Eh magisa ka dito, gabing gabi na. Paano kung magahasa ka dito? O makidnap, mahirap na, madami ng adik sa panahon ngayon."

"Ang dami agad sinabi.. Eh bakit andito ka pa?"

EZ: "Tinatamad pa ako umuwi eh. Oh ano na ba?"

"Anong ano na?"

Inakbayan nya ako, sabay tingin sya sa langit.

EZ: "Alam mo Kola, don't pressure yourself on this.. wag kang magmadali."

"San ba?"

EZ: "Si Andre nasa isip mo diba?"

"Hindi naman."

Ikaw, ikaw ang nasa isip ko -_____-

EZ: "Naguguluhan ka ba, kasi ang gusto mo si DJ?"

>.<

"Hindi, magkaibigan lang kami,"

EZ: "Lakas maka-showbiz ng sagot ha. Alam mo, di naman masamang umamin sa taong mahal mo eh."

"Pano mo naman nasabi?"

EZ: "Kasi natural lang ang magmahal."

"Weh?"

EZ: "Oo nga.."

"Paano kung masyado kayong malapit sa isa't isa, pero yung may mahal mo, may ibang mahal."



Napaisip sya.

Sabay tanggal ng kamay nya sa akin.

Nakaupo lang kasi kami sa may simento sa daan.

Wala naman masyadong dumadaan kasi gabi na nga.



EZ: "Kung ako, tapos yung mahal ko may mahal na iba. Syempre mahihirapan ako. At bago ako mag-tapat, kailangan ko muna ng lakas ng loob."

Aww :">





EZ: "Pero kung nakikita ko naman na masaya yung mahal ko, sa piling ng mahal nya, siguro, hahayaan ko na lang sya sa taong mahal nya, ayoko din masira yung pagkakaibigan namin.. Kung kami talaga, kami talaga. Masakit yun malamang, pero may magagawa ba ako, kung masaya na naman pala sya."



Aww :"<





Natahimik ako bigla..



Siguro ilang segundo ding tahimik.



EZ: "Bakit may iba ba syang... hmmn."

"Hindi ko alam.."

EZ: "Nahihirapan ka kasi nagpaparamdam din si Andre?"

"Paparamdam?"

EZ: "Hindi na pala nagpaparamdam, nanliligaw na nga pala."

"Hindi naman ako umoo eh."

EZ: "Ewan ko sa usapan nyo. Pero biruin mo nga naman, yung taong ayaw na ayaw mo nung una, sya pa yung malakas ang loob magtapat."

"Sana nga naging duwag na lang sya.."

EZ: "Bakit naman?"

"Ang hirap pala kasi ng pakiramdam na may NASASAKTAN ka.. Ikaw ba? May nasaktan ka ba o MAY NASASAKTAN ka?"

--__________--



EZ: "Hmmmn."

"Nevermind."



EZ: "Musta ba yang puso mo?"

"Eto okay lang, umaasa."

EZ: "Kanino?"

"Basta. May tanong ako Enzo, yung parang kanina din, paano kung yung mahal mo na may mahal na iba, pero sweet sayo yung mahal mo, di mo alam kung meron bang something sa inyo, ano ba ang mas okay, sumuko na lang o kumapit pa rin?"

EZ: "Depende kung gusto ka rin nung lalake, pero kung gusto ka nung lalake, siguro pipiliin ka nya dapat, kailangan kasi nakikipaglaban din sya, hindi yung ikaw lang.."

"Paano kung ikaw lang?"

EZ: "I have to give up, I think."

"Pero hindi ba masakit?"

EZ: "Masakit mag let go. Pero mas masakit kung mag-hold on ka pa."



;'(



Sa kanya na mismo nanggaling.

Give up :/



Enzo!!!

Bakit ba kasi mahal kita :(



Sana si ANdre o DJ ka na lang.

Kaso mahirap ipagpilitan ang sarili sa taong hindi ka nga naman pinaglalaban.



EZ: "So ano, pumayag ka na lang kay Andre o DJ."



Alam mo yung mahirap?

Yung hindi ka na nga pinaglalaban ng taong mahal mo,

Tapos all the time, pinapasa ka pa nya sa iba.

Na mas lalo nyang pinahihirap at pinabibigat ang loob mo..





Oh sige Enzo.

Tutal lagi mo na rin naman akong pinamigay sa iba.



Sige papayag na ako kay Andre.



Tama ka din naman diba?

Dapat dalawa ang lumalaban, yun yung pagmamahal.



T_T



Di mo nga ako mahal..





"Oo papayag na ako kay Andre."

Nagngitngit yung ngipin ko.

Naiinis ako, sa tuwing pinapasa nya ako sa iba.





Parang nagulat pa yung mukha nya.

Sabay ngiti.

EZ: "Oh Good. Goodluck!!! Wag kang mag-alala. Kami bahala ni DJ jan."

"Wag mo na idamay si DJ."

EZ: "Bakit?"

"Ayoko madagdagan pa yung sakit na ginawa ko sa kanya."

EZ: "Sakit?"

"Wala."







EZ: "Pero alam mo Kola, napakaswerte ng lalaking mamahalin mo."

"Hindi rin."

EZ: "Alam mo, kung yung mahal mo, hindi ka naman mahal, dun ka na lang sa taong nagmamahal sayo, You might feel worthless to one person, but you are priceless to another."

"Damn, oo na nga Enzo"

EZ: "Teka, nagagalit ka ba?"



Woooh.

Chillax Kola..



Ngumiti ako, kaplastikan -_- "Hindi ah. Halimbawa lang, ikaw yun, ano gagawin mo?"

Ngumiti sya hanggang tenga talaga..



EZ: "Wag kang ganyan, baka umasa ako..;)" sabay kindat pa.



Yung tipong oo nagagalit ka at nasasaktan sa kanya.

Pero yung di mo maiwasang kiligin sa sinabi nya.. :">

Namula tuloy ako (--.)



"Baliw ka talaga."

EZ: "Uy namumula ka!"

"Tae! Di ah."

EZ: "Namumula ka eh."

Hinawakan nya pa yung pisngi ko.

"Tss. Ewan ko sayo.. Nevermind.."



Tumingin naman sya sa kabilang side..

(Pabulong) EZ: "Kung walang Kara, merong Kola..."

"Ano?"

Hindi ko masyado narinig kasi hina ng boses nya.

EZ: "Wala, sabi ko magkatunog ang pangalang Kara at Kola."

"Weird -__-"

EZ: "HMMMMN, I----" (Pronounced as "ay" as in Letter I)

"Ha?Anong I?"

EZ: "I-----"

"Ha?"

Parang ewan tong si Enzo..



EZ: "IL"

"???"

EZ: "iLan kaya ang bituin ngayong gabi?"

"Ano?!"

EZ: "Wala."

"Para ka nang si Kara eh, may pagka-wierd."

EZ: "HAHA. Medyo nga."







Papayag na ako sa gusto ni Andre.

Papatunayan ko na kaya ko na wala ka Enzo.

Dahil yun din naman pinaparamdam mo sakin eh..





EZ: "I---"

"Ano na naman?"

Nakatingin lang sya sakin.

Pokerface pa rin sya.

EZ: "Hayyy.." napabuntong hininga sya.

"Ano ba? May gusto ka bang sabihin?"

EZ: "I..."

"Ano ba yan.."

EZ: "ILY" (Enzo pronounced it as "iLi")

"Dyan ka na nga Enzo, kairita ka naman e"

EZ: "Ano nga kase?"

"Ano?!"

Nagkamot sya.. EZ: "Ililibre kita bukas."

"Konek?"

EZ: "Ayaw mo ba?"

"Bahala na kapag wala akong gagawin bukas."

EZ: "Ay oo nga pala, baka dumalaw yung manliligaw mo."

"Oo na lang.."



Sabay tayo.

"Gabi na, umuwi ka na"

Tumayo na rin sya.

EZ: "I..."

"Nakakabadtrip na yang I na yan ha!"

EZ: "I-Inaantok na ko"

"Eh di umuwi ka na nga."

Napakamot na naman sya sa ulo.

Ano ba problema ng lalaking to.

Sobrang weird nya..

Hayyy..



EZ: "Bhieeeeeeeee yung ano nga pala........" bigla syang napatigil.

"Bi?!?!"

EZ: "Bhie-boyyy. Taba mo na kasi eh. " nagpahid sya ng panyo sa mukha.

"Biboy?! Tanga lang Enzo? Oo na eh di ako na mataba."

EZ: "Biro lang... Yung project nga pala natin?"

"Tapos na yun diba?"

EZ: "Eh kailangan natin i-review yun."

"Para san?"

EZ: "Diba 2 weeks from now, isa-submit na yun?"

"Oo."

EZ: "Review natin.."

"Ha?"

EZ: "Sa may Cafe PaVoCoChong tayo"

"San yun?"

EZ: "Bagong kainan yun, balita ko saobrang sarap daw ng pagkain nila. Tapos may mga cottage pa, parang sa resort, na pwedeng i-rent"

"Bakit kailangan pa dun?"

EZ: "Eh para makapag-focus tayo diba?"

"Ganun ba. Bakit di na lang sa inyo?"

EZ: "Hmmn. Ano kasi eh, ahm ano, mag-sleep over yung mga pinsan namin sa bahay. Eh maingay."

"Oh eh di kapag nakaalis na sila."

EZ: "Ano kasi eh, 2 weeks sila sa bahay. Ano dun tayo?"

Napataas ang kilay ko.

"Baka magalit na naman si Kara nyan."

EZ: "Ako ang bahala."

"Libre mo?"

EZ: "Syempre."

"Oh sige. Uwi ka na, inaantok na rin ako."

Ngumiti sya.

Parang ang pungay ng mata nya.



EZ: "Sige, goodnight."

Bebeso sya sakin.

Kaso nailang ako.

Kaya parang nagkakasalubong ang mukha namin instead na side by side.

Napatawa kami parehas.



"Kaliwaan tayo"

Syempre kapag pantay, lips na yun eh.





Biglang..

Salubong ulittt...



"Kaliwa mo nga eh."

Napatawa sya.

EZ: "Ay sorry sige."



Ayun nagka-side to side na.

Nakapag-goodnight BESO? kami..







_____________



Nung patulog na ako..

Tumawag si Andre.

Sya pa nga lang sa iba ang nakakaalam ng new number ko..



"Hello."

A: "Hi Sweet. Gising ka pa?"

"Kausap mo pa eh, hindi, baka tulog na."

A: "HAHA. Oo nga naman."

"Bakit ba kasi?"

A: "Uy, payag ka na ha?"

"San ba?"

A: "Sa panliligaw."

"Andre, alam mo naman diba, na meron akong ibang gusto?"

A: "Alam ko, bakit di ko naman sinabing gustuhin mo ako agad eh."

"Pero.."

A: "Bigyan mo naman ako ng chance."

"Marami naman dyan.."

A: "Pero ikaw lang naman yung nakaagaw ng pansin sakin.."

"Andre naman.."

A: "Promise i'll be a good boy."

"Wag na kasi.."

A: "Hindi pa rin ako titigil."

Biglang pumasok sa isip ko.

Yung usapan namin ni Enzo kanina.





Napaisip ako..

Bakit di ko nga subukan?

Baka sakaling mabaling sa iba yung atensyon ko.

Tutal wala na talaga sakin si Enzo.

And never din naman syang naging sakin.

Yeah, baka give up na nga lang ako :(

Na dapat matagal ko ng ginawa.





A: "Kola! Andyan ka pa? uy!!"

"Oo."

A: "Okay na ba sayo?"

"Sige."

A: "Ha?!" pasigaw sya.

"Aray! Di pwedeng moderate voice lang?"

A: "Sorry sorry, seryoso ka?"

"Kanina pinipilit mo ako, ngayong pumayag ako, di ka naniniwala. Bahala ka nga, antok na ako."

A: "Hindi, hindi, eto naman. Promise di ka magsisisi."

"Sige. Goodnight."

A: "GoodNight sweet!"





_________________









"DJ... DJ!!!"

Katok katok ko si DJ sa may bintana nila.

Oo, 6am pa lang gising na ako.

Aga no? Kahit wala namang pasok.

DI rin kasi ako masyado nakatulog.

DI ko alam kung bakit.



ANtagal naman nito..

"DJ!!! DJ!!!"





Biglang nagbukas bintana nya.

Bagong gising, magulo pa ang buhok..



Napangiti naman ako..



"Bagay pala sayo ganyan eh.."

Naguunat pa sya.

DJ: "Ang alin?"

"Yang magulo ang buhok.."

Napangiti sya.

DJ: "Nakaka-inlove ba?"

"Oo na lang.. HAHAHA! "

DJ: "Bakit ang aga mo namang mang-gising? May problema ba?"

"Wala naman kaso.."

DJ: "Pag-ibig na naman?"

Nag-nod ako..



Pinisil nya yung pisngi ko.

DJ: "Ikaw talaga, halika nga, pasok ka dito."

Pumasok ako sa loob.

At habang naghahanda sya ng breakfast.

Nakaupo lang ako sa dining table.



"Asan si Tita?"

DJ: "Umalis na siguro, nagrogrocery yun."

"Ang aga naman."

DJ: "Para di maubusan."

"Ah.."

DJ: "Ano na naman ba problema mo Miss Kola?"

"Kasi......."

DJ: "Ano?"

"Pumayag na ako magpaligaw kay Andre."

DJ: "Tapos sa akin hindi?"

"DJ.."

DJ: "Biro lang, may usapan na tayo diba.. SIgurado ka ba dyan?"

"Oo... Hmmn, yata."

DJ: "Gusto mo ba sya?"

"Hindi ko alam. Kailangan ko rin siguro magbigay ng chance sa iba, baka sakaling malimutan ko sya."

DJ: "Magmahal ka kapag ready ka na talaga. Hindi yung magmamahal ka lang kasi malungkot ka."

"Di naman mahal na eh. Susubukan ko.. Pero.. masama bang tingnan?"

DJ: "Ang alin? basta ang alam ko,wag mong gawing panakip-butas ang isang tao"

"Hindi naman, ayoko na makasakit. Pero napagisip ko din na sana mapaling ang pagmamahal ko sa iba."

DJ: "Ayaw mo ba sakin? :)"

"Gusto, kaso, baka masaktan na naman kita."

DJ: "Diba magbibigay ka na rin naman ng chance, bakit di mo rin ako mapagbigyan?"

"Pero, mahirap pumili?"

DJ: "Hayaan mong patunayan namin.. Malay mo, mahalin mo ang isa sa amin ni Andre."

"Ayoko na choice/s lang ang alin man sa inyo, lalo ka na.. You're a lot greater than a choice.."

DJ: "Ganun naman talaga sa pagmamahal eh. Handa ka dapat kung ano mangyare."

"Pero.."

DJ: "Wala namang mangyayare na kakaiba... Alam mo na, walang ilangan, ganun pa din tayo. Ewan ko lang ka Andre, di ko rin alam yung takbo ng utak nun.. Pero ako handa akong masaktan, kung mapag-isip mo na hindi mo talaga akong kayang mahalin. Oh sige okay lang. Pero hayaan mo rin akong itreat ka na special.. Pero hindi yung halatang-halata na panliligaw, ung normal na tayo nga lang.. Basta.."

Ano Kola?



Hayyyy.



SIguro tama nga sya.



Sige na, papayag na rin ako.

Wag ko sana sila masaktan,

Pero for sure may masasaktan, at masasaktan din ako :(





"Oh sige"

DJ: "Talaga?"ngumiti sya ng wagas.

Nag-nod ako sabay ngiti.

DJ: "Salamat.." sabay yakap sakin ng mahigpit.



Pano ngayon yan.

Pagpasensyahan naman ang kahabaan ng buhok ko...



Mahirap din sa side ko.

Yung mga nanliligaw sayo, yung trato mo kaibigan lang.

Pero yung mahal mo, kaibigan lang din turing sayo.



Ang gulo ng mundo no?

>.<





__________________





-FAN, VOTE AND COMMENT :>



--WILL UPDATE IF MAY AT LEAST 20-25 COMMENTS AND at least 30 VOTES

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon