Chapter 76: Finale

51K 972 465
                                    

Super thank you guys sa pagbabasa at pagtyatyaga sa story kong to.

Kahit korni at magulo ;)

__________

After 1 month...

Okay naman ang flow ng buhay buhay.

2 months na kami ni DJ.

Pero alam ko sa sarili ko na may kulang :)

At alam niyo kung ano yun.

Naging mapag-tiis sakin si DJ.

Kahit alam ko paminsan-minsan, nahahalata nya pa rin na naalala ko si Enzo.

Hindi ganoon kadali ang isang buwan....

Isang buwan na wala si Enzo..

Umalis sya papuntang Tarlac..

At ang huli na nga naming pagkikita ay yung araw na umuwi si Papa.

Pagkatapos non.

Nabalitaan ko na lang na umalis na nga sya kasama ang buong pamilya.

Hindi nila pinagbili ang bahay nila, sina Manang Belen pa rin ang nandyan.

Tuwing bakasyon na lang daw uuwi sina Enzo.

Gaya nga ng sabi ko, hindi madali ang wala si Enzo.

Physically and hmmmn, emotionally.

Lalo yata ako nahirapan maka-move on.

Pero sinusubukan ko naman na kalimutan, kahit mahirap.

Tinutulungan ako ni DJ.

Di ko pa rin matanggap na wala na kami.

Kahit 2 months na kaming wala.

Nakakatawang isipin na talagang wala na.

At masakit pa nyan, hindi nya ako pinaglaban :)

Siguro oo, may mali din ako.

Dahil ang taas ng pride ko noon, at hindi ko man lang sya inintindi.

Pero tama na yan!

Tapos na.

Wala na.

Si DJ na ang nandyan :)

SInusubukan ko pa rin syang mahalin.

Hindi naman mahirap, pero tunay pala na hindi mo makikita sa pangalawa, kung anong meron ang nauna.

Sa iba siguro mali yun, pero sakin tama.

Kahit gaano pa kalaki ng deperensya nilang dalawa.

Si DJ nandyan palagi, kahit itaboy ko, kahit saktan ko. Nandyan sya. Pinaglalaban nya ako.

Pero si Enzo, nandyan sya, pero hindi lagi. Minsan nga di mo pa maramdaman ang presence nya. At ang pinaka-masaklap sa lahat. Kahit gaano ka nya kamahal. Hindi ka nya kayang ipaglaban, dahil duwag sya.

DJ: "Naiisip mo na naman ba sya?"

Nandito kami sa park, nagpipicnic kasama sina Bam at Enrique.

Bakasyon kami, at seniors na sa pasukan.

"Ha? Hindi."

DJ: "Hindi magandang magsinungaling sa kapwa, lalo na sa sarili mo" pang-asar nya.

"Hindi, hindi talaga. Ikaw talaga!"

Nakita ko yung mata nya na halata namang hindi naniniwala.

Napatingin ako sa malayo.

At napatawa ako nung naalala ko yung kakornihan namin ni Enzo.

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon