Chapter 50: Enrique's Birthday

34K 498 64
                                    

*RING *RING

Ang aga aga.

Ingay ng phone.

Sinagot ko yung phone.

"Hello?"

P: "Hello Kola, si Papa to."

Biglang nagising ang diwa ko.

Di ako nakapagsalita.

P: "Kola.. Kamusta na kayo ni Beng?"

Hindi pa rin ako nagsasalita.

P: "Siguro alam mo na..."

"Pa, may pasok pa po ako.. Saka na lang po kayo tumawag kapag di na ako busy."

P: "Teka Kola.. Papaliwanag ako.."

"Saka na lang po. Bye."

Binabaan ko si Papa.

At sa pagka-agang agang yun nawala ako sa mood.

Naiiyak ako at kasabay nito at nagagalit ako sa tatay ko.

Tumawag pa sya, lalo nya lang pinalalala ang galit ko sa kanya.

Binura ko sa isip ko ito.

At nanligo na lang kahit maaga pa..

Nagbihis na rin ako.

_________________

Maaga akong pumuntang school.

At tumambay muna ako sa may bench sa harap ng room namin.

Konti pa lang ang tao eh.

Nag-iisip lang ako.

Siguro magiging okay din ang lahat.

Yung kay Papa, kakayanin namin na wala sya :)

Cheer up lang Kola.

Sus! Ikaw pa!

Naihi tuloy ako.

Kaya tumayo ako at dumaretso sa may ladies toilet.

Pero nung papasok pa lang ako.

May narinig akong babaeng may kausap sa loob.

Pamilyar sakin ang boses.

Bakit ang aga naman yata?

K: "Ako ang bahala sabi"

K: "Hindi... You'll see."

K: "Just trust me on this okay?"

Si Kara.

Sino kausap nito?

At bakit ang aga nya?

Pumasok ako sa loob.

Kunwari walang narinig.

Nung nakita nya ako.

Bigla nyang tinago yung phone sa bulsa nya.

At parang nataranta.

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon