Chapter 70: 1st day.

32.2K 536 163
                                    

Isang buwan na halos ang nakakaraan.

Simula ng nakipaghiwalay sakin si Enzo.

At walang isang gabi na hindi ko sya iniyakan.

Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako.

Pero sa harap ng iba, matibay ako.

Hindi ko nga lang napigilan yung mga hinaing ko sa araw na nasa ospital si Enzo.

Dun lang ako nag-break down.

Usually, tinatago ko talaga ang sama ng loob ko at hinanakit.

Pero once na di ko na kaya.

Saka ko nilalabas, at talaga lantadan, lahat ng luha, hinanakit at sama ng loob nilalabas ko once na napaiyak ako sa harap ng iba.

Hindi ako yung tipo ng tao na basta na lang susuko.

Hindi rin ako yung tipo ng tao na mahina....

Matapang ako...

Sa harap ng iba.

Pero pag magisa, di nila alam ang dami kong problema.

Nalala ko yung usapan nung unang araw na pumasok kami sa school pagkatapos ng bagyo.

At unang pagkikita muli namin nila Enzo, pagkatapos ng scene sa ospital.

----

DJ: "Tatlong araw na rin ang nakakaraan. Mag-move on ka na."

"Tama ka."

DJ: "I know it's not that easy, but I know it's worth it."

"And it takes time.."

Huminga ako ng malalim.

DJ: "Handa ka na ba pumasok bukas?"

"Oo naman"

Pero sa totoo lang, hindi pa.

Pero may maggawa ba ako?

Malapit na ang finals.

Kailangan pumasok ako.

Nakakainis dahil tumila agad ang bagyo.

Sana bumagyo na lang ng malakas, kahit sa bubong na lang namin. Para may rason ako para hindi pumasok at hindi sila makita.

DJ: "I'm worried."

DJ is there all throughout.

Hindi nya ako binitiwan simula pa nong nakipaghiwalay sakin si Enzo nung isang araw.

Pagkagaling namin sa ospital nung araw na yun.

Kina Bam kami dumaretso dahil saktong kadadating lang nya sa bahay nila. At hindi ako maaring uuwi ng hikbing kibi at namamalat na sa kakaiyak.

They comfort me.

Di ko pa nasabi sa nanay ko, kasi alam ko magagalit sya kay Enzo.

Ayokong tuluyang masira si Enzo sa pamilya ko. Di ko alam kung bakit :'(

Pagkatapos non.

DI ko pa rin sinabi sa Nanay ko.

At itinago lang ito.

Hanggang sa tatlong araw na ang nakaraan at eto nga nasa harapan ko si DJ.

Dinalaw ako sa bahay at inaalala kung handa na ako bukas, kasi back to school na. Wala ng bagyo.

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon