Chapter 2: Friends

69.9K 807 115
                                    

Simula nung araw na binato nya ako ng papel..

Tapos di man lang nag-sorry sakin.

Nainis talaga ako. Wa echos! Kahit gano pa ko ka-deds dun -__-

Kasi ang pagkakaalam ko talaga di ganon ugali nya, dun pa naman ako humanga sa kanya!

Bakit ganun >.<


Habang nangangarap, andito ako sa playground.

Iniintay ko kasi yung kapatid ko na si Beng.

Andito ako sa school nila mga 15 minutes away by jeep sa bahay namin.

Grade 1 pa lang sya, kaya kailangan hatid sundo talaga.

Hindi naman talaga ako ang sumusundo sa kanya.

Nagkakataon lang paminsan-minsa busy si Mama.

*BLAAAAG!!*

May tumamang bola sa ulo ko!!!! >.<

Nagulat ako syempre!!!

Malamang nangangarap ako tapos may babato sakin ng bola!!

"ARAY NAMAN!"

Habang nakahawak sa ulo.

At may pamilyar na boses na lumapit sakin.

"Okay ka lang Miss?" sabi nya.

Pagkatingin ko,

Tama nga ako… And Adonis ng buhay ko na walang ibang ginawa kung hindi masaktan ako, pisikal!!

Napalingon ako sa kanya.

At yung kunot ng noo ko, napalitan ng pagka-windang.

Bakit naman kasi ang lakas ng dating mo sakin..

Napakanta tuloy akoooo..... Oh.... PANGARAP LANG KITA :/ K. Sarap manampal. Panira na naman ng kaligayahan.

Pero alam nyo yung nakakainis?!!!

Yung galit na galit ka, pero kapag nakita mo sya, parang bigla na lang mawawala...

Bakit genen?!

Diba ang crush ay paghanga, pero bakit ang sakin mahal na?

HAHAHAAHHA okay ang harot ko!


Bilis kong mag-change ng mood, makita ko lang to si Enzo... -__- =))

Enzo: "Uy Miss! Ayos ka lang??"

NGANGA na naman Kola!

Napatulala ako sa kanya.

First time ko sya makita ng malapitan!

Ng super duper close... OMG O__O

LAKAS ng kalabog ng dibdib ko.. *DUG DUG DUG DUG*

*WANG WANG WANG*

Natauhan ako dahil sa ingay ng wang wang ng ambulansya!

Bigla akong nataranta dahil nakatitig lang sya sakin at iniintay ang sagot ko.

Dahil hindi ko na alam ang gagawin ko...

Nagalit-galitan na lang ako!

"Ikaw na naman?! Sa tingin mo okay ako?"

E: "Ha? Anong nanaman? Sorry na nga Miss, Di ko naman sinasadaya."

Hindi nya siguro alam na magkaklase kame?

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon