Chapter 51: Ang pag-amin

35.6K 639 159
                                    

Guys, may bago akong story, aside from SECOND CHANCE BOOK 2 :)

Basahin nyo at tutukan din ha?

Asa profile ko, ka-umpisa ko pa lang ngayon.

"My Star-studded Heart" ang title :)

_________________________________

"Teka, ano ba ginagawa mo?"

Tanong ko kay Enzo.

Habang bumitaw ako sa pagkakayakap nya sakin.

Naguguluhan at nasasaktan na rin kasi ako -__-

Kaya nga umiiwas na ako sa mga ganitong sitwasyon hanggang maari.

Dahil alam ko, mahihirapan lalo ako maka-move on.

Nasusubukan ko na nga eh, at natutunan na, kaso si Enzo naman,

Sa sobrang ka-sweetan, pinahihirapan ako :'(

Di ko mai-consider na kaibigan si Kara.

Oo nung una, pero nung nakita ko na ang tunay nyang ugali.

Maliban sa pagka-weird nya.

Hindi ako kalma na hanggat magkaibigan o may gusto ako kay Enzo.

Hindi papayag si Kara at alam ko nasa loob ang kulo nya.

Wala na akong tiwala kay Kara.

Aaminin ko, nasa isip ko.

Parang nagbabait baitan lang sya sakin.

Sa tuwing andyan.

DI ko alam kung bakit.

Ewannn!

Pero ayoko na.

Tama na, ayoko ng gulo.

Sakit nyang magsalita, at nagagawa nya pang manakit.

Sa kanya na si Enzo.

Di ko naman aagawin na eh.

May nararamdaman lang ako sa kanya.

Pero hindi yun ang magiging kasiraan ko sa iba.

Ayoko maging kasiraan yun sa iba.

Lalo pa at iba nga ang ugali ng baliw nyang GF -_____-

Habang tinitibayan ko ang loob ko,

Sa mga pangyayareng ito.

Nakita kong tumulo yung luha sa mata nya.

EZ: "Akala ko, magiging masaya na ako.. Akala ko wala na akong hahanapin pa.. Pero.."

Tumayo ako..

"Enzo pwede tumayo ka na jan?"

Ayaw ko kasi maging malambot na naman,

Lalo at nakikita ko si Enzo.

ALam ko naman na tungkol na naman ito sa kanila ni Kara.

Tama nga si Mama.

Kung paano ko i-treat dati si DJ, na kapag may problema ako saka lang ako nalapit,

Ganun din si Enzo sakin.

Pero hinawakan nya ang kamay ko at pina-upo ulit sa tabi nya.

Pigilan mo ang sarili mo Kola ha?

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon