Chapter 10: Feelings.

44.6K 665 91
                                    

EZ: "Sige na kasi, pakilala mo na ako"

Pangungulit ni Enzo.

Habang di pa nagsisimula ang klase.

Himala nga eh ang aga nya ngayon.

Pero si Enrique wala pa, as usual late na naman yun!

Di pa rin dumarating si Kara.

At sana wag na dumating. TAE!

Si Bam naman, ewan ko dun.

Male-late ata kasi tinanghali.

Paano sa kakapanood ng KPOP.

"Ang kulit nito!"

EZ: "Sige na Float. Please!"

"Ay nako ewan ko sayo Enzo."

Pinisil nya bigla yung ilong ko.

"Aray! Bakit!!!"

EZ: "Sabi ko sayo, COKE tawag mo sakin ah."

Anong sense nyan, kung di rin ako kikiligin?

Kung alam ko naman iba ang mahal mo >.<

"Oo na! Wagas ka naman makapisil. Parang di masakit ah."

Umiwas ako ng tingin sa kanya.

Sa totoo lang, mas masakit yung nararamdaman ko kesa sa pisil nya.

Wala lang, parang ginagamit nya kasi ako par alang kay Kara.

Alam ko naman na wala akong pag-asa sa kanya.

Pero wag naman harapang pinag-seselos!

TANGA TALAGA NG LALAKING TO!

Hinawakan nya bigla yung mukha ko tapos hinarap sa kanya.

Seryoso yung mukha nya.

EZ: "Nagtatampo ka ba sakin?"

Ngayon, magkatitigan talaga kami.

Awkward, inalis ko kamay nya pero makulit lang talaga sya.

"Bakit naman ako magtatampo."

Ngumiti sya bigla tapos pinisil ulit ang ilong ko.

EZ: "Nagseselos ka Float no?"

Tinanggal ko ulit ang kamay nya.

"CHE! Asa! Di no!"

Inakbayan nya ako.

As usual, para sa kanya friendly akbay.

EZ: "Wag kang mag-alala float. Hindi kita ipagpapalit sa kanya. Mas matimbang ka pa din sa kanya. Syempre superfriend kita eh!"

Napayakap ako sa kanya.

Tapos sinabing..

"Sabi mo yan ha!"

Mga ilang segundo ay natahimik kami.

Nakayakap din sya sakin.

Parang nakakahiya itong ginawa namin, MORE ON GINAWA KO!

Bigla ko na lang syang pinisil sa tagiliran nya.

Ang sarap nyang yakapin sana.

MANHID LANG >.<

EZ: "Oh bakit mo ko pinisil, ang sakit kaya! "

"Ah eh! Wala!"

EZ: "Bakit ka namumula float?"

Uy, mahal kita! [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon