chapter 50 : Caring boyfriend

70 3 0
                                    

Samantha's POV

                 Grabe , ang ginaw ginaw naman. Nakakaiyak. I'm shaking right now. Dapat pala hindi ko na lang inaya si Christian maligo sa ulan e. Hayan tuloy , nanginginig ako sa lamig.

" Sabi ko naman kasi sayo wag na tayo maligo sa ulan. " - sabi niya saakin sabay abot ng towel. Andito parin kami sa kotse e. Buti may towel siya.

" Kaya nga e *shiver* sorry na. Hahaha " - tumawa na lang ako.

" Okay lang. Gusto mo sainyo na lang ako matulog? para mabantayan kita? Tutal may mga damit naman ako sa cabinet mo e. " - tanong niya saakin

" Huh? Sige sige. " - nginitian ko siya.

**

Kakadating lang namin dito sa bahay. Naabutan namin si kuya nanunuod na ng tv.

" Oh , bakit mukha kayong basang sisiw? HAHAHAHAHA " - tanong niya saamin.

" Eh kasi naman tong kapatid mong baliw inaya akong maligo sa ulan. Yan tuloy , nanginginig siya sa lamig. Mukha pa atang sisipunin e. " - sabi ni Christian.

" Umakyat na nga kayo sa taas at mag palit ng damit. Magkasakit pa kayong love birds jan eh. Papakuha na lang ako ng gamot kay manang. " - sabi ni kuya.

Umakyat na kami at kinuha ko siya ng damit.

" Oh , suot mo na yang damit mo. Buti pala madami kang damit dito. " - sabi ko.

" Thank you. Beb , gusto mo live-in na lang tayo? " - seryoso niyang sabi

" Seryoso ka jan? " - tinaasan ko siya ng kilay.

" Hahahaha , joke lang. Magtataray ka na naman eh. Mag bihis ka na nga. Para makapag pahinga ka na. " - sabi niya.

Bumukas ang pinto at nakita ko si manang kasama si kuya.

" Salamat ho. Ako na pong bahala kay Sam. " - sabi ni Christian.

" Osya sige. Alagaan mo ang prinsesa ko ha. " - sabi ni manang tapos um-oo si Christian.

Nahiga na ako kasi sobrang sakit ng ulo ko. Parang kinukuha yung utak ko sa sobrang sakit.

Binasa ni Christian yung bimpo ng mainit na tubig " Sa susunod kasi , wag ka na maglaro sa ulan. Ayokong magkasakit ka. "

" Opo , sorry na po. " - sabi ko. Pinainom niya muna ako ng gamot atska nilagay yung bimpo sa ulo ko.

" Ikaw naman ang uminom. Baka magkasakit ka din tulad ko. " - sabi ko.

**

Kinabukasan...

Naginat ako at pag tingin ko sa kama ko wala na si Christian. Nasaan na si kumag?

Ang sakit ng ulo ko pero pilit parin akong bumaba para magtanong kay manang. " Manang si Christian po? "

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Where stories live. Discover now