Epilogue

102 2 3
                                    

Samantha Alley Uy's Point of View

Maaga akong nagising, kasi tumunog yung cellphone ko. Nabasa ko yung text message saakin ni Christian.

'Happy 1st anniversary saatin beb. Mahal na mahal na mahal kita.'

Napangiti ako nang mabasa ko ang text message niya. Mag rereply sana ako nang biglang mag ring ang phone ko, tinignan ko yung caller ID. At si Christian yun.

"Hello, beb."
[Hi din sayo.]
"Happy 1st Anniversary sa pinaka mamahal kong babae. *laughs*"
[*laughs* Happy 1st Anniversary din sa pinakamamahal kong lalaki.]
"I love you, beb."
[I love you too.]

-call ended-

Naupo ako sa dulo ng kama ko, ano kayang magandang isurprise para sakanya? May surprise din kaya siya para saakin? Hays ewan. Basta ang gagawin ko na lang bibili na lang ako ng regalo para sakanya.

Ano kayang magandang regalo? Watch, t-shirt, shoes? Bahala na, sa mall na lang ako mag dedesisyon.

Naligo ako ng maaga, nag suot lang ako ng shorts at white na v-neck. Nag Nike roshe run ako na sapatos tapos cap. Hindi yung pang jejemon na cap, basta yung bigay saakin ni Christian.

"Ma, alis muna po ako." sabi ko sakanya at kiniss sa cheeks, "Saan ka naman pupunta anak?" ngumiti ako kay mommy, "Sa mall po. Bibili ako ng regalo." napatingin saakin si mommy at ngumiti, "Ay oo nga pala, anniversary niyo. Happy anniversary saimyo. Siguraduhin niyong forever na kayo." natawa naman ako sa sinabi ni mommy, "Ma, walang forever." napa buga siya ng hangin, "Hay nako anak, kung walang forever edi sana hiwalay na kami ng daddy mo. Osya, mag iingat ka ha. I love you, anak." ngumiti ako kay mommy at kiniss siya muli sa cheeks. "I love you too, ma."

Nagpahatid na ako sa driver namin sa mall. Mga 30 minutes lang naman bago ang mall. Kaya siguradong sandali lang iyun.

Nakadating na kami agad sa mall, "Thank you po, text ko na lang kayo kapag magpapasundo na ako. Ingat po." ngumiti na lang saakin at tumango ang driver namin. Bago siya umalis, binuksan ko ulit yung pinto ng sasakyan "Ah nga po pala, eto po 1000, mag kape muna po kayo sa Starbucks kung gusto niyo, pero kung hindi sainyo na lang po iyan, or uwi na lang kayo. Sige po. Thank you!" tumango naman ang driver namin.

Pumasok na ako agad sa mall. Nag libot libot muna ako sa department store, nag hanap ako ng mga damit at kung ano-ano pa, naka pili ako ng isang t-shirt para saakin, ang ganda niya. Simple lang. Binayaran ko na agad sa cashier yung t-shirt tapos dumeretso ako sa JB MUSIC. Mga tindahan ng mga instruments.

Naka isip na ako ng bibilhin ko, gitara. Kasi mahilig naman siya mag gitara atska maganda naman boses niya e. Atska hilig niya din akong tugtugan ng mga magagandang kanta. Kaya yun na lang yung naisip ko na iregalo para sa anniversary namin.

Binayaran ko na sa cashier yung gitara. 5,000php pala yung gitara. Pero okay lang, mura lang naman. Atska para din naman kay Christian yun.

Tinawagan ko na yung driver namin, dederetso na ako sa bahay. Kasi mag susulat pa ako ng letter para kay Christian.

Mabilis din naman agad kaming naka-uwi, kasi walang traffic.

Sa paganon-ganon pala e, halos mag two-2pm na. Kumain lang ako sandali kasi kanina pa ako gutom, tapos deretso akyat agad ako sa kwarto ko. Aayusin ko pa yung gitara ni Christian e. Tapos magsusulat pa ako.

Inilapag ko muna yung gitara sa kama ko. Naupo na ako sa may study table, kumuha ako ng papel, yung may amoy na papel. Tapos nag simula na akong magsulat. Hindi sapat ang papel na to sa mga gusto kong sabihin kay Christian. Inilagay ko na ang sulat ko para sakanya sa maliit na envelope, tapos kinuha ko yung gitara na binili ko para sakanya tapos sinulatan ko yun ng 'Samantha Alley, forever yours.'

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon