Chapter 47: Tampuhan

77 5 2
                                    

A/N: Hi MSAMers , I need help. Please help me to vote Justin. Lagay niyo lang to sa end ng tweets niyo
#EMABiggestFansJustinBieber basta dapat yung hashtag e yun yung last bawal mag lagay ng kahit anong tweet bc hindi siya magiging counted. Thankyou! And kahit sa Instagram eh pwede niyo din ilagay yung hashtag. Thankyou!




Chapter 47: Tampuhan

Samantha's POV

2am pa lang pala , grabe. Ang aga kong nagising. Kasi hindi talaga ako makatulog ng maayos. Kasi hanggang ngayon iniisip ko padin siya. Hindi ko alam kung anong irereact ko bukas kapag nakita ko siya. Alam ko namang nagtatampo siya eh.

time check 5:15am

Maliligo na nga ako ng maaga. Feel ko kasing pumasok ng maaga ngayon eh. Hindi ko lang alam kung bakit.

Pagkatapos kong maligo at mag bihis kumain na ako ng breakfast at nag paalam kela manang.

" Manang , alis na po ako. " - paalam ko sakanila

" Sam , 6:25 am pa lang. Ang aga mo naman ata? " - tanong saakin ni manang

" Eh wala lang po. Gusto ko lang po maglakad ngayon at mag isip isip tungkol sa bagay bagay. " - sabi ko

" Bakit Sam , may tampuhan ba kayo ng boyfriend mo? " - tanong saakin ni manang

Napayakap na lang ako kay manang at humagulgol.

" Manang, k-kasi po e. Nag ka t-tampuhan po kami e-eh kasi naman simpleng bagay lang nagalit na siya saakin. Nag selos siya agad "

" Ija , hindi lahat ng relasyon perpekto. Minsan ang mga magka relasyon ay nagkakatampuhan. Selosan at kung ano pa man. Kaya dapat , habang maaga pa eh ayusin niyo na yan. " - payo saakin in manang

" Eh paano naman po? P-parang hindi naman siya nakikinig saakin e. P-parang pag galit siya eh hindi niya ako papansinin. Ngayon ko lang po kasi nalaman na ganon pala talaga siya magalit e. Anong gagawin ko? " tanong ko

" Sa tingin ko , kailangan niyo agad ayusin yan. Pero , palamigin mo muna yung utak niya ha. Baka stress lang siya. Kaya siya nagalit. " sabi ni manang saakin

" Salamat po manang. Lagi kang nandyan saakin. Thankyou po! " niyakap ko siya. At umalis na ako.

Maglalakad na lang ako. Medyo maaga pa naman eh.

Pagka dating ko sa school dumeretso ako sa restroom at nag hilamos ng mukha. Maga kasi yung mata ko e.

Pagkalabas ko ng restroom e , may mga babae na nag uusap.

' maga yung mata ni samantha. Bakit kaya? '

' Baka LQ sila '

' buti nga. Mag bebreak din yan '

' Oo naman no, wala kayang forever '

Napaka chismosa naman ng mga babae na to.

May biglang humila saakin. Niyakap ako. Dinala niya ako sa sulok.

" Wag mo na silang pansinin " - sabi niya

" I-Ikaw lang pala. " - sabi ko kay Cho

" Bakit? akala mo si beb mo no? " - sabi niya saakin

" huh? Hindi ah. " - deny ko.

" Kunwari ka pa e. Di' bale. Mag kakaayos din kayo niyan. Tiwala lang SammyBaby. " - sabi niya

" Thank you , Cho " - sabi ko

Kumindat na lang siya saakin at inaya ako sa classroom.

••

" Oh Bes , Bakit si cho ang kasama mo? " - nagtatakang tanong ni Sallie

" LQ sila ng boyfriend niya. " - sabi ni Cho.

" What? What happened? " - gulat na gulat na tanong ni Sallie

" Nagseselos siya e " - naka yuko kong sabi

" Huh? Kanino? " - tanong ni Sallie

" kay Justin Bieber " - simple kong sagot

" What? Nang dahil sa idol mo nag selos siya? Dapat kasi iniintindi ka niya. Na kahit may love life ka na dapat pinagbibigyan ka pa din niya na mag fangirl " - sabi ni Sallie

" tama ka jan , bes. " - sabi ko

••

Buti na lang break time na. Sabay kami ngayon ni Sallie kasi absent si Clarence. Hahaha! Buti nga. Joke lang!

Kinalabit ako ni Sallie " Bes , wag kang magagalit ha. Pero tignan mo yun. "

Tinuro niya saakin si Christian. May kaakbay na babae. At yung babae naman nilalandi ang boyfriend ko

Wait isa sa alipores ni Amanda?

Si Bianca?

Nakaramdam ako ng luha saaking mata. Please , wag ka munang tutulo luha. Please? Kahit ngayon lang maki cooperate ka saakin.

Lumapit ako sa lugar nila at sinampal si Christian.

Napa angat lang siya ng tingin saakin.

" Ganyan ka ba pag nagseselos huh? Ganyan ka ba kapag nagagalit? Nangbababae ka kaagad? Lumalandi ka kaagad? Isang araw pa lang naman yung tampuhan natin huh? Pero bakit lumandi ka na agad? Anong klase kang boyfriend? Ang landi landi mo. "

Tumakbo ako palayo sakanila. Pumunta ako sa likod ng school. Sa Secret Garden

Doon ko lahat nilabas ang sama ng loob ko sakanya.

Ganoon ba talaga siya? Nangbababae agad?

Ganoon ba talaga siya? Masyadong mataas yung pride para hindi ako pansinin?

Ganoon ba talaga siya? Ipagpapalit ka kaagad sa iba?

Bakit ba kasi ang babaw niya? Ang hirap hirap niyang intindihin. Nagseselos siya nang dahil sa idol ko. Bakit ba siya nagseselos? Eh kahit kailan naman hindi mapapasaakin si Justin e. Hindi niya na kailangang mag selos pa.

Itutuloy..

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon