chapter 61: Last Prom

111 2 0
                                    

Samantha's POV

Kakauwi lang namin galing sa Baguio. At hanggang ngayon nababadtrip parin ako don sa tatlong panget. Sino pa ba, edi sina Jane,Francheska at Sharia. Isama mo pa yung Queen Bee ng school, si Amanda at ang kanyang alipores. Talaga namang nakakapang-init ng dugo.

Flashback..

"Samantha, ahas ka talaga! Hindi mo deserve si Christian" sabi saakin ni Jane.

Paano ako naging ahas? Inagaw ko ba si Christian sakanya? Eh hindi naman niya ex si Christian ha. Ang may ex kay Christian ay si Francheska.

"Paano ko naman siya inahas, aber?" tanong ko sakanya, "Inagaw mo lang naman siya kay Francheska." nag smirk ako, "Hello, hindi ko siya inagaw. Talagang mahal niya lang ako. At teka, sino ba ang nang-iwan sakanilang dalawa noong sila pa? Hindi ba't yang kaibigan mo. Iniwan mo siya, Francheska" ngumiti ako sakanila

"Oo, iniwan ko siya. Pero dahil may importante akong misyon na gagawin. At hindi naman siya magmamahal ng iba kung hindi mo siya lalandiin e" sagot saakin ni Francheska

"Gaano bang kaimportante ang misyon na yan?" tanong ko sakanya, "Hindi ko pa sa ngayon sasabihin. Pero malalaman mo rin" nag smirk siya

"Tss. Duwag ka pala e. Dyan ka na nga!" Sigaw ko sakanila

Nabadtrip talaga ako buong camping namin. Nakakasira siya ng araw.

Naupo ako sa isang tabi, nagmumuni-muni nang biglang tumabi saakin si Christian, "Lalim ata ng iniisip mo."

napatawa na lang ako ng mapait, "Gaano mo ba siyang minahal?"

Nanlaki ang mata niya, "Ha? Anong ibig mong sabihin?" alam kong alam niya ang ibig sabihin ko. "Wag ka nang magmaang-maangan na hindi mo alam. Gaano mo siya minahal? Tulad ba ng pagmamahal mo saakin? O mas sobra pa?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, "Noon, minahal ko siya ng sobra sobra. Pero sinaktan niya yung puso ko. At hinding hindi ko makakalimutan yun. But trust me, ikaw na ang mahal ko ngayon. Higit pa sa buhay ko." napangiti naman ako doon, "Siguraduhin mo lang. Dahil kapag niloko mo ako hinding hindi mo makakalimutan ang gagawin ko sayo."

"Hinding hindi kita lolokohin, beb. Alam mo yan. Ikaw lang ang mamahalin ko habang buhay. Kahit ano man ang pagsubok na dumaan saatin, tandaan mo na ikaw lang ang mahal ko, at mamahalin ko kahit tumanda pa tayo. Mahal na mahal na mahal kita. Sobra sobra" hinalikan niya ako sa noo, "Promise?" ngumiti siya, "Promise, beb"

End of flashback..

Kahit nainis ako nung camping napalitan naman ng kakiligan. Ang landi kasi ni Christian e. Sana lang talaga tuparin niya yung pangako niya saakin na mamahalin niya ako habang buhay.

Ang bilis naman ng panahon, prom na. Excited na ako, kasi last prom ko na to. At baka hindi ko na makasama pa ang mga kaklase ko. Andito kami ngayon sa guess room ni kuya, nagpapaayos kami. Actually, ako lang pala. Kasi tapos na siya. Naka bihis na siya. Ako patapos na sa hair and make-up.

"Wala na bang ibibilis yan?" tanong ni kuya kay Pepay, make-up artist namin, ngumiti si Pepay kay kuya, "Konting push na lang brother dear" inirapan na lang siya ni kuya, sanay na naman dyan si Pepay.

After 15 minutes ay natapos din ako. Nagbihis na ako ng aking cocktail dress. At narinig ko na nagpot-pot ang kotse ni Christian. "Thank you, guys." sabi ko kela Pepay and friends. Umalis na din agad sila pagkamake-up saakin.

Nagseselfie ako at bigla akong nagulat nang sumulpot bigla si Christian "Ganda mo naman,beb" ngumiti ako sakanya,"Picture!"

"Tara na, baka ma-late tayo." sabi ni kuya, nauna na siya dahil sabay kami ng boyfriend ko.

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon