Chapter 57: Basketball

71 4 5
                                    

Samantha's POV

Nag decide yung mga parents namin na sa Tagaytay kami mag stay. Over night lang naman.

Iniwan muna namin sila mom, sympre mag uusap-usap sila. Dahil mag partners naman sila sa business. Andito kami sa may hill naka-upo lang at tumitingin sa stars.

"Buti na lang tanggap nila tayo" sabi ko kay Christian at tumingin sakanya

"Oo naman, kilala na naman nila tayo e. Atska okay yun, legal na tayo" hinawi niya yung buhok ko sa gilid.

"Beb, malapit na yung basketball game namin kalaban yung Hildegard University. Suportahan mo ako ha." sabi niya saakin

"Oo naman no, boyfriend kita kaya dapat suportahan talaga kita." sabi ko sakanya at ngumiti

"Ah so ganon, pag hindi mo pala ako boyfriend eh hindi mo ako susuportahan?" Yung tono ng boses niya parang nagtatampo

"Asus! Tange. Sympre kahit di kita boyfriend susuportahan kita. Crush kaya kita" sabi ko sakanya at kinurot ang pisngi niya

"Aray!!! Sabi na eh. Crush mo talaga ako una pa lang" sabi niya at tumawa

"Feeler!! Hindi kaya no." pag dedeny ko

"Oo na. Tss" inirapan niya ako. Kaya niyakap ko na lang siya.

"Joke lang. I love you!" Sabi ko sakanya

"I love you too" sabi niya saakin at kiniss ako sa cheeks

••

"Okay, deretso na kayo sa gym. Andun na ang mga students ng Hildegard University" sabi saamin ni sir, adviser namin

Inayos ko yung buhok ni Christian "Kaya mo yan, beb! Mahal na mahal kita"

"Thank you! Mahal na mahal din kita" sabi niya saakin at niyakap ako at kiniss niya yung ulo ko.

Andito na kami ngayon sa gym. At naka handa na ang banner ng Honesty. Sympre lahat sila ichi-cheer namin. Dalawa ang banner namin, yung isa para sa section namin at yung isa para sa buong basketball team.

Nakaupo na kami dito sa may unahan na bleachers. Yung malapit sa mga players. For the last time lumapit ulit ako kay Christian at kiniss siya sa cheeks "Kaya mo yan beb. Andito lang ako para icheer ka okay?"

Ngumiti siya saakin at kiniss ako sa noo, "Salamat beb!"

9am na. At magsisimula na ang laro. Pinapunta na nung coach yung school namin atska yung HU sa may gitna. Mag sisimula na ang game.

Naka'y kuya yung bola. Nag dribble siya at pinasa ito kay Clarence. Tumakbo si Clarence habang nag didribble at pinasa kay Christian. Tumingin si Christian saakin at kumindat sabay shoot ng bola sa ring.

Shoot! Ang galing talaga ng boyfriend ko. 3 points agad sila.

"Woooh! Go bebi ko!" Sigaw ko at kinekembot ang hips ko.

Nag-flying kiss naman siya at kumindat ulit saakin.

••

4th quarter na agad. At kitang kita mo ang tensyon sa mga estudyante at sa mga players. Hawak ni Christian ang bola. Bibigyan siya ng tatlong beses para mag shoot then simula na ulit ng 4th quarter.

Yung mga players ng Hildegard University medyo mayayabang eh. Akala mo naman kaya nila kami. Pwes, nagkakamali sila.

60 seconds na lang at lamang ng dalawang puntos ang Hildegard. Kaya lahat kami ay kinakabahan. Tahimik ang buong gym.

Hawak ng kalaban ang bola. 20 seconds na lang. Alam kong kaya nilang habulin yan.

10

9

8

7

6

5

4

3

"3 points for Shabie University!" Sabi nung nagsasalita

Hindi ko napansin na naagaw pala ni Christian yung bola sa kalaban. Wow! Ang galing talaga ng boyfriend ko.

Tumalon kaming lahat "Woooh!! Ang galing niyo talaga!"

Tumakbo ako papalapit kay Christian at niyakap siya. Binuhat naman niya ako, "Ang galing mo. I'm so proud of you"

"Thank you, beb. I love you" sabi niya saakin at kiniss ako

Dahil si Christian ang captain ball siya ang may hawak ng trophy at binuhat siya.

Nagpikturan naman kaming lahat.

"Nice game dude, congrats!" Sabi nung isa sa Hildegard

"Thanks, bro! Kayo din" sabi ni Christian at nakipag kamay at body-body.

"Tara? Mag celebrate tayo?" Hinawakan niya ang kamay ko

"Pero pagod ka. Okay lang ba?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami

"Oo naman no" sabi niya saakin

Kumain kami sa isang mamahaling restaurant at sympre sagot niya. Kasama kaming buong Honesty at yung mga varsity players

"Congratulations sa inyo, at sayo din kuya! Ang galing niyo talaga" sabi ko sakanila at nag cheers kaming lahat

Bumulong ako kay Christian, "You neve fail to make me smile"

••

Hello Summer Vacation! Good bye 3rd year! :)

Yehey! Summer na at malapit na kaming grumaduate. Ugh! Nakalalungkot naman. Pero ayos lang :)

--

A/N: Boom waley ang update! :) papalitan ko pala yung name ng school. Ayoko na nung old name ng school kasi mukhang di makatotohanan pero mahal ko parin si Justin :)

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon