chapter 36 : Nagkakahiyaan

178 6 2
                                    

Samantha's POV

Grabe , kagabi lang yung sinagot ko na si Christian bilang maging boyfriend ko. Pero di' ko parin feel e. Alam mo yun? Yung parang di' ka makapaniwala na may boyfriend kang sikat ,gwapo,talented,hot at ano pa ba? Lahat nasa kanya e. Bad boy pa. Lagi kasi akong binubully nun e. Naalala ko tuloy yung mga araw na hindi talaga kami magkasundo , yung di' pa kami nag aaminan about sa feelings namin. Ang torpe kasi niya e. Edi sana , kung maaga niyang sinabi edi sana kami na. As in agad agad. Ok landi ko talaga. Hahaha!

Monday na naman , nakakatamad man pero kailangan ko pumasok. Kasi malapit na pirmahan ng clearance. Kasi yung mga teachers eh mananakot na naman na " Hindi ka magiging 4th year kasi kulang ka sa requirements " Juice Colored. I don't believe you! Yung mga kaklase ko dati e kulang kulang pero hayun , 3rd year na din. Lokohan ba kasi , ganon?

Maaga akong nagising kasi nga diba Sunday yung prom namin , tapos naalala ko na boyfriend ko na siya. Tapos ang duga wala man lang kami pahinga. 2am na kaya ako nakauwi kanina. Manong sana walang pasok ngayon di'ba ,  diba? Sus.

Pero sabi bukas daw ang wala , kasi ngayon daw e kailangan pumasok.

5:15am pa lang pero naligo na ako , para kahit humilata ulit ako , e ready na ako sa pag pasok mamaya.

Pagkatapos kong maligo e sa malamang nagbihis na ako. Tapos nag patuyo ng buhok tapos nag Twitter and yun. Bumaba na ako. 5:30am na e. Hahaha!

Kakain muna ako ng breakfast.

" Hi yaya , ano pong breakfast? " - tanong ko kay yaya

" Bacon and Eggs , with juice. " - Wow my favorites, Yay!

" Wow. Sige po , palagyan po ako ng kanin. Salamat po! " - sabi ko.

Lumamon na ako ng bonggang bongga. Haha! Oo as in lamon kasi nga paborito ko breakfast namin. Wahaha!

6am nang matapos akong kumain. Tagal ko pa lang kumain.

Si kuya naman e ayun , tulog pa. Mamaya na daw siya papasok. Hahaha! Tutal e kaibigan naman daw niya may-ari ng school kaya ok lang kahit ma-late siya. Hay , mga lalaki talaga oh!

**

" Yaya , manang. Alis na po ako. Ingat po kayo dito huh. " - sabi ko

" Oo naman , ija. Nga pala , magpapahatid ka ba? " - tanong ni manang

" Ay hindi na po. Maaga pa naman e. Maglalakad ako para maka amoy ako ng fresh air. " - sabi ko.

" Sige po , buh-bye! " - sabi ko sa mga tauhan saamin.

**

Habang naglalakad ako nag beep ang phone ko.

From : Christian

Hi beb , good morning! :*

Christian lang talaga name niya dyan. Wala pa akong maisip na contact name niya e. Hahaha! Ayoko nga ng beb. Ang jeje. Joke!

To : Christian

Hello , good morning!

Sa totoo lang , nahihiya pa kasi ako sakanya e. Parang di' pa nag sisink in sa utak ko na kami na. As in kami na talaga , ganon.

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Where stories live. Discover now