chapter 60: Camping

57 4 0
                                    

A/N: check niyo yung trailer sa youtube guys. Andun yung link wa prologue and sa inupdate ko (:

••

Samantha's POV

Dahil ngayon ay Thursday, at bukas ay magcacamping kami hanggang Sunday ay dito matutulog si Christian, Carl, Clarence at Sallie. Lahat kami dito matutulog sa kwarto ko. Pati si kuya, ayaw daw kasi nila sa guess room. Ang aarte, akala mo namang bahay nila. Pero okay lang mahal ko naman yung mga yun. Lalo na si Christian. Landi ko talaga. Hahaha!

Andito kami ngayon, nakabilog sa kwarto ko. Naglalaro kami ng Uno. Anh duga nga ni Christian e, kitang kita kong kinukuha niya yung wild card tapos hindi niya alam nakikita ko "Ang duga mo" kinagat niya yung tenga ko at bumulong "Kailangan talaga dugain to. Shhh ka lang beb!"

"Hoy, mamaya na nga kayo magkagatan dyan. Naglalaro oh!" sabi ni kuya, what a term. The hell!

"Kuya, anong kagatan? Kadiri to." sabi ko, tapos tumawa siya "Kitang kita ko kinagat ni Christian tenga mo. Sumbong kita kela mommy!" tapos bumelat siya saakin "Tse. Tuloy na nga lang natin yung laro"

Ayun, dahil sa kadugaan ni Christian, si Carl ang nanalo.

"Ang duga mo kasi tol e. Natalo ka tuloy, pati sila" tapos tumawa siya, "**** pinagbigyan lang kita. Tara na nga, Sam. Doon na tayo sa guess room niyo"

"Oyoyoy, dito lang. Anong guess room dyan?" tanong ni kuya, "Joke lang!" tapos lahat kami nagtawanan.

"Carl, invite mo naman si Summer dito. Please? Tapos sabihin natin kay sir na isama natin siya bukas sa camping" sabi ko

"Sige na nga, tawagan ko. Tapos susunduin ko." sabi niya at tinawagan si Summer.

"Bye guys, sunduin ko muna girlfriend ko" sabi niya

Tumawa si Christian at umakbay saakin, "Paano ba yan, Carlo. Lahat kami taken. Ikaw na lang hindi." tinignan ng masama ni kuya si Christian, "Mga **** hindi kasi ako nagmamadali. Atska, walang forever!"

"Ang bitter mo!" Sigaw ko sakanya at lahat kami nagtawanan.

Nakadating na sila Summer at Carl. Nagkwentuhan kami, kumain tapos nanood ng movies tapos kumain ulit tapos toothbrush at yun, tulog na.

Nagpalagay kami ng foam kela manang, kasi marami kami sa kwarto ko. Tapos kaming dalawa ni Christian magkatabi, si Clarence at Sallie magkatabi, si Summer at Carl magkatabi tapos si kuya sa kwarto niya natulog. Kasi daw single siya. Anong connect kako? Tapos hindi ako pinansin. Hahaha.

Nahiga na kami sa kama ni Christian, naka-ulo ako sa balikat niya. Tapos nakatagilid siya saakin, at yung isa niyang braso yakap ako "Good night, I love you!" sabi ko, "Good night beb, I love you too!"

••

Maaga kaming nagising lahat kasi mag-aayos pa kami kasi may camping kami ngayon sa Baguio. Sa Camp John Hay. 4:30 pa lang ay gising na kaming lahat. Kasi dapat 5:45 nasa school na, kasi 6am ang alis ng bus. Lahat kami ay nakaligo na, andito kami sa baba at kumakain kami ng breakfast. Inalagay na ng boys yung mga gamit sa kotse at sumakay na kaming mga girls, ganon din sila. Pero hiwa-hiwalay kami ng sasakyan. At tumungo na kami agad sa school.

Tinext ko si mommy.

To: Mom

Mommy, may camping po kami ngayon sa Baguio. Sa school po iyun. I love you mommy and daddy! Ingat kayo jan.

"We are here," sabi ni Christian
Pinagbuksan niya ako ng pinto, tapos ay kinuha niya yung mga gamit sa likod. Kinuha ko yung backpack ko sakanya. At sinabing 'thank you'

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Where stories live. Discover now