chapter 59: Back off, she's MINE

76 3 0
                                    

Christian's POV

Hindi ko alam pero hanggang ngayon ay naiinis parin ako sa Dino na yun. Nakakainit siya ng dugo. Subukan niya lang lumapit sa girlfriend ko. Magpapalit siya ng mukha sa aso. Aish, makaligo na nga lang at nang makapasok na.

Pagkatapos kong maligo, kumain lang ako ng tinapay at nagbabye na sa mga kasambahay namin. "Manang, una na po ako"

"Sige iho, mag ingat ka sa pagmamaneho" tumango na lang ako at umalis na

Hindi na ako pumunta sa bahay nila Sam kasi sabi niya nasa school na daw siya. Pag dating ko sa school, as usual ang mga babae nagtitilian na naman. Parang kinurot ang mga singit. Hayyst, kairita. Ang gusto ko si Sam lang titili saakin.

Habang pa-cool akong naglalakad, ay teka cool nga pala talaga ako. Na-tingin ako dun sa lalaki, at laking gulat ko ang lalaki na yun ay yung bagong panget dito sa school, kausap ang girlfriend ko. Hawak niya pa ang braso ng girlfriend ko.

"Aray, ano ba. Bitawan mo ako" rinig kong sabi ni Sam kay Dino.

Lumapit ako sakanila, at hinawi ko ang kamay ni Dino sa girlfriend ko "Back of dude, she's mine"

"I know, man. Tinatanong ko lang siya kung pwede ba siyang makasama mamayang lunch." sabi ni Dino saakin at ngumiti

"No, hindi pwede. Ako ang kasama niya mamayang lunch. Umalis ka sa harapan ko kundi' sasapakin kita. Now, get out!" I shouted

"Woah, chillax bro." tinaas niya ang kamay niya na para bang sumusuko na siya, at sabay alis sa harapan ko

"Tss. Wag ka na nga makikipag usap don." sabi ko sakanya

"Oo na, pero kasi naman e. Ang kulit kulit niya. Kanina niya pa ako inaaya kung pwede daw ba samahan ko siya. Eh sabi ko na nga na hindi pwede kasi magagalit ka." sabi niya saakin at nag pout.

"Yan ka na naman sa pout mo, halikan kita jan e" tinignan ko siya, namumula siya. Hahaha. Ang cute lang

"Heh, ah ano, pwede ba ako makipag friends sakanya? Friends lang naman. Mukha naman siyang mabait" sabi niya saakin

"Seriously, Samantha? Makikipag kaibigan ka sa mokong na yun?" Naghalukipkip ako, waiting for her explanation

"So galit ka na nyan? Kasi tinawag mo na naman ako sa name ko. Eh, friends lang naman. As in friends. Capital F-R-I-E-N-D-S, friends. At sympre ikaw parin ang mahal ko no! Forever and ever!" medyo tumingkayad siya at niyakap ako, muntik pa nga akong ma-out of balance e. Kasi parang napasobra siya sa yakap.

"Tss, tara na nga." sabi ko sakanya at hinawakan ang kamay niya

"Okay" naka ngiti siya ng parang bata

Samantha's POV

Akala ko, magkakasuntukan si Christian at Dino e. Kasi naman tong si Dino, napaka kulit. Pero friendly naman siya. Gusto ko siyang maging friend.

"Hi bessybels!" sigaw ni Sallie

ngumiti ako, "Hello"

"Psh, why so tipid naman the sagot?" conyo niyang sabi

"Tinatamad ako e." sagot ko

"May war ba kayo?" tanong niya

"Huh? Wala ah. So pag pala tinatamad ako eh ibig sabihin galit kami. Hahaha" sabi ko sakanya

"Whatever bestfriend" sagot naman nito

**

Buti na lang at recess na. Kanina pa ako gutom eh. Mag-isa lang akong kumakain ngayon kasi pinatawag yung apat sa principal's office. Ewan ko ba kung bakit. Baka may ginawa na naman na kalokohan yung mga yun.

Habang kumakain ako ng paborito kong french fries may biglang umupo sa harapan ko, "Hey"nagulat naman ako kay Dino. "Anong ginawa mo dito?" tanong ko sakanya "Can I sit with you?"

"No!" padabog na sagot ni Christian kay Dino

"What the hell dude, you almost scared the s*** out of me" sabi ni Dino

"Get out" maangas na sabi ni Christian

"Okay bro, gusto ko lang makipag kaibigan sakanya, is there something wrong about being friends with your girlfriend?" nag smirk si Dino

"Ayokong may umaaligid na lalaki sa girlfriend ko. Kaya pwede ba umalis ka na, kundi ipapakick out kita dito sa school" sabi ni Christian

"You can't kick me out, remember partner ang lolo at lola ko sa grandparents mo." he smirked

"What ever, just get the hell out of here. I don't wanna see your face, idiot." sabi ni Christian

"Christian! wag mo naman pag salitaan ng ganon si Dino. He's a nice guy" sabi ko

"Bakit, nakasama mo na ba sa iisang bubong yun?" tanong niya

"Hindi. I mean mukha naman siyang mabait e. Kaya pwede ba, wag mo na awayin. Baka magkasuntukan pa kayo e. Masira pa lalo yang panget mong mukha" tumawa ako ng malakas

"Aba, binubully mo ako ha. Halika dito" inano niya yung daliri niya yung parang 'come here'

"Ayoko" bumelat ako

"Halika dito" hinabol niya ako.

Naghabulan lang kami sa canteen, tapos bigla kaming nahulog. I'm on his top right now.

"Guys! look." rinig kong sabi nung babae

tumayo agad ako, "Ikaw kasi e, baka maissue na naman tayo niyan. Baliw ka talaga"

"Sorry, beb!" sabi ni Christian

**

Hinatid na ako ni Christian pauwi, kasi sobrang boring sa school kanina.

"Good night na." sabi ko

"Sige, pasok na. I love you!" sabi niya

"Text mo ko ha pag nakauwi ka na. I love you too" sabi ko

at nag good night kiss na kami.

••

A/N: sorry kung may mga wrong grammars. Hehehe

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Onde histórias criam vida. Descubra agora