chapter 48: Sorry

81 4 1
                                    


••

Christian's POV

Hayaan mo nga siya. Mawawala din galit nun saakin. Mahal naman ako nun eh.

" Pre , ano ba? hindi mo ba susundan yung girlfriend mo? makikipag landian ka padin diyan sa hipon na yan? tss " - sabi saakin ni Clarence

Natahimik lang ako sandali.
Eh kasi naman hindi niya ba alam na nagseselos ako kay Bieber? oo gusto ko si Bieber dahil sa mga outfit niya. Sa kanta niya pero alam mo yun , yung parang mas mahal pa siya ng girlfriend ko kaysa saakin.

Nakakainit ng dugo eh.

" Pre , babaan mo pride mo. Girlfriend mo yun. Dapat ikaw ang nakikipag bati. Diba ikaw yung unang nagalit? kaya dapat ikaw ang makipag bati. " - pangaral ni Carl saakin

" Nakakainis ka talaga christian! kapag ikaw ha. nako! pag may mangyaring masama sa bestfriend ko ipapakulong kita. " sabi ni Sallie

Napatulak na lang ako sa hipon na naka kandong saakin. Nilalandi ko lang naman yun e , kasi kanina pa pacute ng pacute nakaka pakyu.

" Aray ko babe. " malanding sabi neto

" Babe mo mukha mo! **** " umalis na ako at hinanap si Samantha.

**** dapat pala talaga babaan ko yung pride ko. Dapat akong makipag bati sakanya. Kasalanan ko naman eh. Ako yung nag selos e. Ako dapat yung mag sorry eh.

Napaka laking **** ko talaga!

" Miss , nakita mo ba si Samantha? " - tanong ko sa babae

" Ay sorry , hindi po e " - sagot nung babae. Tumakbo na lang ako. Saan ko pa ba siya pwedeng makita?

Nagtanong tanong na ako pero wala parin e.

Hanggang sa bumuhos ang malakas na ulan. Ay s*** baka maulanan yun.

" SAMANTHA! "

" SAMANTHA! "

" SAMANTHA! NASAAN KA NA BA? "

" BEB KO! SORRY NA PLEASE! "

Habang hinahanap ko siya nakita ko siya na nakaupo sa may bench dun sa Secret Garden.

Nakayuko lang siya.

Nakaramdam ako ng inis. Bakit ko ba kasi yun ginawa eh? tanga ko talaga.

" Beb , " - unti unti siyang lumingon saakin habang nababasa ng ulan.

Tumakbo ako papalapit sakanya at niyakap siya. Para kahit papaano matakpan ko siya laban sa ulan.

" Bitawan mo ko! " umiiyak parin siya.

" Sorry " yun lang ang nasabi ko

Humarap siya saakin " Sorry? madali lang yan sabihin pero mahirap gawin Christian "

" Sorry , eh nagkagalit lang tayo ng sandali lumandi ka na agad sa iba. Paano na lang kung umalis lang ako sandali? haharot ka na sa iba? akala ko ba loyal ka? loyal mang loko? "

" Kaya nga I am sorry eh. Sorry kasi napaka walang kwenta kong boyfriend. Sorry kasi lumandi ako sa iba. Sorry kasi hindi ako nakipag bati agad sayo. Sorry kasi ang taas ng pride ko. Sorry sorry sorry! " yumakap parin ako sakanya. this time nakaharap na siya saakin habang yakap ko siya.

Pinalo niya yung dibdib ko.
" Nakakainis ka! "

" Sorry na , promise hindi na ako magseselos kay Bieber mo. Eh kasi naman mas mahal mo ata siya kaysa saakin eh. " Sabi ko

" Sabi ko nga diba , pantay lang kayo. Mahal ko kayo parehas. " sabi niya

" Tara na , baka magkasakit pa tayo. " sabi ko sakanya.

Hinawakan ko ang kamay niya. " Galit ka parin ba? "

" Hindi ko alam. " sabi niya habang naglalakad kami

Napa buga na lang ako ng hangin. Kailangan magkabati na kami ng girlfriend ko.

" Hatid na kita. " sabi ko sakanya

" Wag na kaya ko na umuwi mag isa. " matigas talaga ang ulo niya

" Ang tigas ng ulo mo talaga , paano kapag nagkasakit ka ha? Gusto mo ba mag away ulit tayo? " sabi ko

" Bakit sinabi ko bang bati na tayo? " Tumigil siya sa paglalakad.

" S-so hindi pa tayo bati? " Nag paawa ako sakanya.

Samantha's POV

Hindi na naman talaga ako sakanya galit. Nagpapakipot lang ako , kasi naman e. Hindi ko kayang hindi magalit sakanya.

" Hindi. Hindi pa tayo bati. " sabi ko

Hinalikan niya ako. Hawak niya yung pisngi ko. "Yan , hindi pa tayo bati? "

" Hindi parin. Hindi mo ako madadaan sa ganyan mo. " Ako

" Please? " nag pout pa siya. Shemay! ang cute niya.

" Aish. Ewan ko sayo! " gusto ko kasi mag effort siya saakin eh

••

Andito na kami sa bahay. Hinatid niya parin ako.

Kumuha siya ng dalawang bagong tuwalya sa cr ko. Iniabot niya saakin yung isa tapos yung isa naman sakanya.

Habang pinupunasan niya yung buhok niya hindi ko mapigilan na pagnasaan siya. Eh ang hot naman kasi niya eh :(:

" Baka matunaw ako , beb ko. " sabi niya saakin

" Feeler mo! " sigaw ko.

" Sige na. Magpahinga ka muna. Hihingi lang ako ng gamot kay yaya. " sabi niya saakin.

Um-oo na lang ako.

Pagkabalik niya may dala siya na tubig tska biogesic.

Pinainom niya ako ng gamot. Ganon din siya.

••

Kinabukasan...

Hindi na muna ako pumasok kasi , sobrang sakit ng ulo ko. Wala naman akong sakit e. Ang sakit lang talaga ng ulo ko.

Nanonood lang ako ng American Horror Story nang biglang mag ring ang phone ko.

Beb calling

Ako: Oh? Napatawag ka.
Christian: PEDICAB ka ba?
Ako: Huh? bakit?
Christian:PEDICABang maging akin?
Ako: Eh sayo naman talaga ako ah?
Christian:Haha , alam ko. Trip ko lang mag pick up line.
Ako: Hmpp, kutusan kita jan e
Christian: Pwedeng pwede
Ako: Eh wala ka naman dito , pano yun?
Christian: Tumingin ka sa bintana mo.
Ako: Huh b----Christian?
Christian: Ahhh! wag kang sumigaw. Nakakabingi.
Ako: Sorry , natuw--este nagulat lang ako
Christian: Papasukin mo kaya ako?

-endcall-

Bumaba na ako at pinagbuksan siya ng gate.

May dala siyang boquet of flowers.

" For you , " Sabi niya

" Salamat. Pasok " sabi ko

••

Umakyat kami ng kwarto ko.

" nagustuhan mo ba? " tanong niya

" ha? sympre naman " sabi ko

" So bati na tayo? for real? " Tanong niya

" Oo na , matitiis ba kita? " niyakap ko siya.

" Sorry thankyou" niyakap niya ako at kiniss sa noo.

" sorry din " sabi ko

" I love you so much. Promise hindi na ako mambababae " sabi niya

" Hindi ka naman nambabae e, lumandi ka lang " sabi ko

Tumawa siya " Sorry ha. I love you , beb. "

" I love you too! " Sabi ko

Itutuloy..

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Where stories live. Discover now