chapter 19 : Preparation for Intramurals

243 7 5
                                    

Samantha's POV

Grabe naman oh. Lagi na lang walang klase. Anong klaseng iskwelahan ba to? Wala na kaming natutunan. Oo sa mukha kong to talagang nag aaral ako ng mabuti. Hindi ba halata? Mas gusto kong mag aral kesa mag isip ng kakantahin ko sa talent portion. Nakakairita naman kasi eh. Sino ba nagsabi na gawin akong ms intrams ng classroom namin? Di hamak mas maraming maganda akong kaklase. Pwede naman si Sallie na lang o kaya si Candy. Hayy nako.

Andito kami ngayon sa canteen eh. Pwede naman kasi ngayon mag papetiks petiks lang. Kasi wala ngang klase. Andito kami ngayon ni Sallie kasama si Clarence , Carlo at kuya. Oo wala si Christian ngayon hindi ko alam kung saan na naman napadpad ang kumag na yun eh.  

Masabi nga sa presidente ng school na ito na wag nag mag celebrate ng mga chechebureche na iyan. Naiirita ako. Puro mga malalandi lang nakikita ko. Oo si Amanda and the alipores ay kasama dun. I mean nakakainis kasi eh , pag pumunta ka ng cr puro pakonyo ang mga nandun. Tapos makapag make up wagas akala mong clown. Grabe ha , nahawa na ata ako sa bida ng The XL Beauty. Haha , idol ko si Tabby pag dating sa pag tataray. Ang cool niya kayang magtaray , i swear.

" Hoy best , anong kanta na kakantahin mo? " - tanong ni Sallie

" Um hindi ko alam eh. Nag iisip pa ako " - sabi ko 

" Sige mag kwekwentuhan lang kami " - sabi niya

" ge lang " - sabi ko 

ganto seating arrangement namin

Ako - Carl - Kuya Carlo

Clarence - Sallie 

Oh diba , sabi sainyo eh. Nagkakamabutihan na ang Clallie. Hahaha. Ang bestfriend ko talaga lumalablyp. Eh ako? wala. Wala akong lovelife ay meron pala ang love ko nga pala ay si Justin hehe. 

" Guys , kung ang kantahin ko na lang kaya yung No Erase ng JaDine. Yung sa Diary ng Panget. Ano sa tingin niyo? Ang ganda ng kantang yun eh. Tapos ang gwapo pa ni papa James at ang ganda ni Nadine. " - sabi ko sakanila

" Hmmm , tama ka jan bestfriend yun na lang ang kantahin mo. JaDine shipper tayo diba? Pero teka lang sinong ka-duet mo? Eh duet sila dun eh " - tanong ni Sallie

Ngek. Oo nga no? nga-nga ako dun. Duet nga pala sila sa No Erase. Amp. Pero yun ang gusto kong kantahin eh. 

" Eh okay lang yun edi ako pareho ang kakanta pwede naman siguro yun diba? ieexplain ko na lang sa mga manunuod na ako lang mag-isa " - suggest ko

" Hmmm , ang genius mo talaga bestfriend " - sabi niya sabay nakipag apir

" Ayy bestfriend promise maganda ang kakalabasan ng pag kanta mo :) " - sabi ni Clarence

" Talaga bestfriend? Hehe. Support niyo ako to the highest level ah " - sabi ko

" Oo naman " - sagot nilang lahat except kay kuya. Alam niyo naman si kuya abnormal. Haha!

" Eh guys anong isusuot ko? " - tanong ko

" Best ako ng bahala ok. Sasabihin ko kay tita na mag shopping tayo " - sabi ni Sallie

" Okay sige. Sabi mo yan ha " - sabi ko sakanya

" Yes promise " - sabi ni Sallie

Dahil may wifi sa canteen nag susurf ako sa internet. Naghahanap ako ng minus one ng No Erase. Tapos may babae na lumapit kay kuya. Eww ang haliparot

" Hi prince Carlo " - sabi ni haliparot

" Hi Miss " - sabi ni kuya sabay pakindat kindat pa

Ewww. Nakakadiri siya. Eww talaga.

LALAKI SA EDSA [UNEDITED]Where stories live. Discover now