EPILOGUE 2-2

9.1K 259 77
                                    

EPILOGUE 2-2

LAST NA TOH!!

----------------------------

Gab's POV

Umuwi akong gulong gulo. "Anyare sa babaeng yon?" tanong ko sa sarili ko. "Parang adik.. parang lasing.. parang naka-rugby.. parang naka-shabu.. parang nakalunok ng tinta ng pentel pen.." bulong ko pa.

Bakit tatanungin nya ko kung mahal ko pa sya? Eh isang taon na mula nun ipagtulakan nya ko, bakit ngayon, tatanungin nya ko ng ganun?

Kahit kailan talaga may saltik yun babaeng yun. Kita na ngang nananahimik na ko, naghahanap pa ng gulo.

Narating ko na ang bahay at agad na sinalubong ni Grace. Grace is now my girlfriend.

"Tulog na ang mga bata.." bungad nya kaya ngumiti ako.

"Ikaw na!" biro ko kaya natawa sya.

She held my hand and guided me in the couch. Naupo ako at pumuwesto  naman sya sa tabi ko. Yumakap sya at humilig sa akin.

"Gab.. I really love your boys.." bulong nya kaya tinapik ko sya sa ulo.

"They love you too." sagot ko naman.

Pagkatapos, inangat nya ang tingin nya sa akin na parang may gustong sabihin.

"What?" tanong ko.

"W-Wala naman.."

"Ano nga."

"Alam mo yun? Hindi ko anak ang mga bata pero gusto kong tawagin nila akong Nanay. I sooo want us to be a family already, I want someone calling me Mommy. Not that I'm stealing them away from their mother pero--" natigil sya sa kawalang reaksyon ko.

Wala akong maisagot. Hindi naman sa hindi ko gusto ang ideya nya, naisip ko nanaman kasi si Maggie. Takte talaga yang babaeng yan. Anlakas manggulo ng utak ko.

Tumingin ako sa kanya at napaisip. Should I say yes to her? Hindi ba maguguluhan ang mga bata na daladalawa ang nanay nila? Wouldn't that make them confused?

"Gab, sorry, maybe I crossed the line, alam kong iniisip mo kung anong iisipin ni Maggie. Youre thinking she'd be offended." aniya sabay tayo.

"Gab, alis na ko, I'll drop by early to see the kids off, mamimiss ko sila, araw ni Maggie bukas diba?" pahayag nya kaya tumango na lang ako.

She gave me a quick kiss on the lips and headed for the door.

----------------------

Dumating ang umaga at nagising na lang ako sa ingay ng mga bata.

"Galateo Vicencio bilisan mo!!" hiyaw ni GJ.

"Teka naman Garuds!" apela ni Gale sabay sukbit ng backpack nya sa likod nya.

Palabas na sila ng kwarto ng harangin ko.

"Hep! hep! Bakit nagmamadali kayo?" tugon ko. Kakabangon ko lang at halos may muta pa.

"Miss ko na po si Nanay! Pupunta na tayo kay Nanay diba?" masiglang sagot ni Gale na nagpatahimik sa akin.

Sht. Maggie nanaman. Maggie nanaman! Maggie keeps on haunting me. Kagabi pa. Kahit sa pagtulog ko. Mula nun hinalikan nya ko at tanungin kung mahal ko pa sya, hindi na ko matahimik. Pakiramdam ko kasi nagkamali akong ng sagot.

"Ako, miss ko na po ang sinabawang manok ni Nanay! Kahit init initin, the best pa rin!" banat ni GJ kaya natawa ako.

Sinabawang manok ni Maggie na expired huh?

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Where stories live. Discover now