Chapter 11: The Next Poñeta in Line

20.7K 314 57
                                    

Gab's POV


"Hey Sir Gab! Nakikinig po ba kayo?"

"Huh? Ah yes, yes! Okay! That settles it! Ayos! Meeting Adjourned! K. Tnx. Bai!"

Ito ang huling sinabi ko sa mga kameeting ko at dali dali na kong lumabas ng conference room.

Nakasakay na ko sa elevator ng tawagin ni Samantha, ka-comeeting ko kanina.

"Hey Gab! wait! Hold it!" sigaw nya at hingal na hingal syang sumakay ng elevator.

"Hi!" kaway nya sabay ngiti sa akin. Winagayway ko na lang ang kamay ko sa paraang "yeah yeah whatever" para tumahimik sya.

Tumingin ako sa relos ko ng lumapit sya sa akin.

"Hey, want to grab some dinner?"

Tumingin ako sa kanya at kumunot ang noo.

"Huh? Dinner? Its 4pm." suplado kong tugon kaya sumimangot sya.

"Y-Yeah, oo nga.. what i mean is that, pede naman tayong mamasyal bago magdinner right?"

Napataas ang kilay ko sa kanya. Mamasyal? Ano kami High School? Field trip?! Umiling iling na lang ako ngunit nagpatuloy lang sya.

"You know what Gab, why are you distant? Why are you so hard to get? Ang hirap mong makuha." bulong nya sa tainga ko kaya kinilabutan ako.

"Ah! Floor ko na!" hiyaw ko at bumaba na ko ng elevator kahit di ko pa floor.

Holysh*t, what was that? Iba na talaga ang mga babae ngayon, ni hindi mo na maligawan, uunahan ka pang dumiskarte! Tsk!

Anyways, pumasok na ko sa sasakyan at hinatak ang kurbata ko. Nagsimula na kong magmaneho ng makauwi na. Actually nyan, lagi akong nagmamadaling umuwi dahil sa bata. Yep, im referring to Maggie's child. Ewan ko nga ba sa batang yon, naaadik ako sa kanya.

Narating ko na ang bahay at agad agad ko itong hinanap. Karga karga ito ni Yaya kaya lumapit ako sa kanila.

"Yaya, ako na jan." pahayag ko sabay kuha sa bata.

"Bigat mo na ha." bulong ko pagkabuhat sa kanya.

"Paano ba yan baby.. apat na buwan ka na, knockout pa din nanay mo, ano ha? Sasakalin na ba natin?" pabiro kong sabi habang nilalaro sya.

This child is really my stress reliever kapag pagod sa trabaho at ospital, he never fails to make me smile.

Nilalaro ko pa sya ng biglang sumulpot si Yaya sa likuran ko.

"Gaby, di mo ba pupuntahan si Maggie?" banat niya kaya napabuntong hininga ako.

"Opo, pupuntahan ko na." sagot ko at inabot ko ulit si baby sa kanya.

Pagkatapos kong maghilamos at magpalit ng damit, binalikan ko ang bata para magpaalam. I held his little hand and put it in my face.

"Baby, aalis lang ako ha, iuumpog ko lang ang ulo ng nanay mo sa pader para magising na."

"Gaby!" saway ni Yaya kaya ngumisi na lang ako. "Kaw talaga! Kung ano anong tinuturo mo sa bata!"

"Joke lang po." dugtong ko at nagbyahe nanaman ako.

Narating ko na ang ospital at andaming bumati sa akin.

"Hey Gab, nandito ka na pala!" bati sa akin ng isang doktor at sinabayan nya ko sa paglalakad.

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon