EPILOGUE PART 2-1

6.7K 206 36
                                    

EPILOGUE 2-1

Maggie's POV


ONE YEAR LATER


Tulala ako habang nakatanaw kela Gab at sa mga bata. Nasa sasakyan ako at nakadungaw sa kanila habang nag-hahapunan sa isang restaurant.

"Edi kayo na ang masaya.." bitter kong bulong sa utak ko.

At bakit ako bitter? Gab was with a girl now. That girl is so angelic that she treat my boys as if they were her own.

Shit. Siguro kuntento na si Gab ngayon. Kabaligtaran ko ang babaeng napili nya. I just met her once and I admit, kahit ako lalaki, papatulan ko ang babaeng to.

I just sighed and looked away from them. "Siguro ayos na to." sabi ko sa sarili ko. Masaya na ang mga bata at masaya na si Gab. Siguro oras na rin para maging masaya ako.

I now turned the key to ignition and drove back to my house. Narating ko na ito ng may maaninag na tao sa harap. Nakaupo sya sa tapat nito at nakasandal sa gate.

I curiously went down and asked him.

"Excuse me? Kilala ba kita? Anong gingawa mo dito? Pwes, uunahan na kita, meron akong device dito na isang pindot ko lang, darating ang isang batalyong pulis kaya-"


"Teka! Bakit ka tatawag ng pulis?!" apela nya sa dirediretsong banat ko.

"Bakit?! Tinatanong pa ba yan?! Kasi hindi kita kilala and definitely-"

"Sure, you dont remember me, who am I to be remembered by the great Maria Magenta, the best student in our University?" sarkastikong banat nya kaya kumunot ang noo ko.

"What?"

"Never mind, let me introduce myself. I'm Tom.. Tom Sawyer.." lahad nya ng kamay pero tinitigan ko lang.

"Tom Sawyer?! Weeh! Tom Sawyer mo mukha mo! Anong akala mo sa akin?! Tanga?!"

"Hindi! Seryoso ako!! Tom Sawyer talaga ang pangalan ko!" aniya sabay pakita ng ID.

Nakabusangot kong tinignan at in fairness, Tom Sawyer nga.

"So?" sampal ko ng ID nya sa dibdib nya. "What do you want from me? Nag-kautang ba ko sayo nun College?"


"H-Hindi.." yuko nya.. "Actually Im the one in debt.. in debt of apology. Please patawarin mo ko.."


"Ano bang-"


"Yun dumukot sayo sa Parking..." sabat nya. "Its me and two of my classmates!" bulyaw nya na nagpa-blanko sa utak ko.

"W-What?" utal kong sambit.

"Totoo!! Nandito ako para humingi ng tawad!"

"Talaga lang ha!" tulak ko sa dibdib nya. "Sinungaling ka!! Sige nga! Sagutin mo ko!! Why are you saying this just now?!"

"Cause I'm sick and dying!" hiyaw nya. "Nataningan na ko! Tingin mo magsisinungaling pa ko?!" bulalas nya kaya napaawang ang bibig ko.

I swallowed hard trying to calm myself. I exhaled deep and opened the gate to let him in.


"Halika sa loob. Pag-usapan natin." matipid kong pahayag na sinangayunan naman nya.

I settled him in the living room and offered him a glass of iced tea. I sat in front of him and exhaled again.

"Okay ka na? Pwede ko na bang ituloy?" aniya kaya inangat ko ang ulo ko para tumango.

"Okay. First of all, I'm telling you this now to clear my conscience. Sooner I'll be dead so I dont want to bury any secrets to my grave." panimula nya.

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Where stories live. Discover now