Chapter 12: Meet and Greet with Garcielo

20K 282 33
                                    

Maggie’s POV

Tumitiyempo ako kung paano ko kakausapin si Gab.

Ito na kasi ang oras para maglayas kami ni GJ.

Joke.

Yeah, joke lang. Seriously, I mean sure, oo, matapos ang isang taon naming pananatili dito, nakuha na ni Gab ang mga dokumento na nagsasabing sya ang magmamana ng mga yaman ni Lolo.

I also said to him that since our deal is done, we should leave. We are still here cause Gab never allowed us to go. Sabi nya, di naman daw namin kailangan magmadali.

Tumitiyempo lang ako ngayon dahil may ipapakiusap sana ako. Hihingi sana ako ng pabor... umiinhale exhale na ko ngayon. Sinilip ko siya at kasalukuyan nyang kandong si GJ.

He was reading to him this electronic thingy na sinabi kong wag nyang bilhin dahil 30,000 bucks. Since di naman sya nakikinig sa akin, binili pa din nya.

Fine, sige, nakakatuwa dahil mabait sya kay GJ pero susginoo for goodness sake, ang O.A ah.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya at ngumiti ng nakakaloko.

Tumingin naman sya sa akin at kinunutan ako ng noo.

"What?" pagsusungit nya.

I exhaled to control myself. Im starting to feel irritated already.

"May sasabihin sana ako." panimula ko.

"Busy ako." aniya ng hindi man lang inaangat ang tingin sa akin. Shit, this it, nagsisimula ng tumaas ang badtrip meter ko!

"Gab, I said, need to ask you something." ulit ko sa tonong nagpipigil.


He just glared at me and shook his head.

"I said you can tell me later right? Alis na. Tsupi."

Ito ang sinabi nya na nagpa-bingo presyon ko. I started to walkout and slammed the door behind me. Nagsimula na kong umakyat ng hagdan padabog at para akong si Godzilla sa lakas ng padyak ko.

I was halfway the stairs when Gab grabbed me by the arm.

"Hoy babaeng constipated! Wag kang magdadabog ng ganon! Baka di mo alam, may utak na yang si GJ, nakakapagisip na yan!" banat nya kaya hinarap ko sya.

"Hoy ka din SB, ang bait bait kong lumapit sayo tapos sasabihan mo ko ng tsupi?!"

"Ano ba kasi yon?! Pede namang mamaya di ba?!" iritadong tanong nya.

"No, it cant wait! Pag nakatulog na kayo si GJ, bukas na kayo magigising pagkatapos nyan, magmamadali kang pumasok sa trabaho at maiiwan nanaman akong nganga!"

"Fine! Sabihin mo na!!"

"Uhh.. a-ano—"

"See? Antagal!!"

"Teka lang! atat much ka eh! Uhh.. ano.."

"ANO NGA?!"

"I WANT TO WORK!!!" sigaw ko kaya natahimik si Gab.

"No way." sagot nya ng hindi kumukurap. Halata sa mukha nya ang pagkabanas.

"Bakit hinde?!"

"At sinong magaalaga kay GJ aber?!"

"Kaya ko! I can do both! I can work and take care of him!"

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Where stories live. Discover now