Chapter 14: No story will be Complete without Flashbacks

10.4K 260 84
                                    

Author's Note:

Alam kong mabagal ako this past few weeks kaya I made this UD long. Pinagsama ko po ang supposedly two chapters. Seryoso tong UD na to pramis :)

-----------------------------------

Gab's POV


"Have you eaten anything for the past 1 hour Sir?"

Tanong ng doktor kaso di ako umimik. Eh pano ba naman, busying busy ako sa pag-alala ng nakaraan.

At di lang yon, paano ako makakapagisip ng maayos kung naiwan si Maggie kay Theo sa labas! How can I concentrate with that?!

"Oy Ser!! Kakakain nyo lang ba kako!!" sigaw na ng doktor kaya napunta ang atensyon ko sa kanya.

"Wh-What?" kunot noong tanong ko.

"Tinatanong ko kayo kung kakakain nyo lang ba?"

"Uhh.. h-hindi.." iling ko. "I haven't eaten for hours. Im too worried to eat." sagot ko.


"Ahh. Then do you smoke perhaps?"

"No. Never did I."

"Ahh.. Then rinse your mouth. We will get sample from your buccal area."

"Ano?"

"Magmumumog ho kayo at may icocotton buds lang tayo sa bibig nyo. Pede na? Siguro naman gets nyo na ang cotton buds ano?" pilosopong pahayag nya kaya pokerface ko syang tinignan.

How rude! Anong klaseng doktor to!! Gayunpaman sinunod ko na lang. May pinunas sya sa bibig ko at inilagay sa isang tubelike container.

Natapos na kami kaya lumabas na agad ako. Naaalibadbaran na kasi ako sa presensya nya.

Mariin na lang akong napapikit pagkasara ng pinto.

Hindi ko kasi alam ang gagawin ko kung mag-positive ang resulta. Paano ko maipapaliwanag kay Maggie gayong kahit ako, hindi alam ang sagot.

I tried to calm myself by saying its impossible. Of course the results will show negative. Ngayon ko lang nakilala si Maggie. How can I be the father of GJ?!

Habang naglalakad pabalik, pilit ko din inalala lahat ng naging ex ko at siguradong hindi kabilang si Maggie dun.

I also tried remembering my one night stands at siguradong hindi rin kabilang si Maggie dun.

Narating ko na ang kwarto ni GJ at di ko sinasadyang mapasilip sa salamin. Nasa loob sila Maggie at Theo at seryoso silang naguusap. It seems like Theo is suggesting something while Maggie was just listening to him.

Anyways, binuksan ko ang pinto kaya sabay silang napalingon. Ni walang nagsalita ni isa sa kanila kaya mas pinili kong puntahan na lang si GJ.

Naupo ako sa tabi ng bata at humawak sa kamay nito.

I just lowered my head cause its getting awkward. I can see in the corner of my eye that Theo and Maggie are shooting meaningful glances at each other.

Di ko na lang sila inintindi at sa halip mas pinagtuunan ko ng pansin ang kondisyon ni GJ.

Natauhan na lang ako ng magsalita si Theo kaya napatingin ako sa kanya.

"You dont need to act that concern." biglang sipat nya.

"Ano?" asar na tanong ko.

"Hindi mo pala anak ang bata kaya di mo kailangang mag-alala ng sobra." dugtong nya kaya sarkastiko na lang akong napangisi.

God. Now he is mocking me. Kanina lang sinasabi nyang kamukha ko ang bata tapos ngayon, pinagdidiinan nyang hindi ko ito anak? Aba at talagang saltik pala tong lalaking to eh!

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon