Chapter 13: Kota na sa Stress!

9.9K 287 94
                                    

Gab's POV

"Im so sorry.. Im so so sorry.." ulit ulit na hingi ng tawad ni Maggie habang tinatapalan ng ice pack ang mukha ko.

"Wala na kong naisip na dahilan... I just freaked out. Isang sapak na lang at alam kong dedbols ka na." dugtong nya kaya binara ko sya.


"Dedbols agad?! Hindi ba pwedeng borlog muna?!"


"Borlog ka diyan! Kailan ka pa natutong magsalita ng Beki?!" sipat nya sabay diin ng ice pack sa mata ko.

"Aray naman! Kay Othan ko natutunan yon!" paliwanag ko kaya nailing sya.

"Di ko na alam ang iisipin diyan kay Othan." buntong hininga nya ng biglang dumating sila Dad at Garet.

Napatingin ako kay Garet at sabog na sabog din ang mukha nya.

"Okay na kayo diyan? Umalis na tayo. I need to see the children now." utas nya kaya napalunok na lang ako sa kaba.


He sounds angry. Mukhang galit sya na may apo sya. Di lang yun. Ni hindi ako makapuslit para hanapin si GJ. He keeps on insisting that he wanted to see the children now.

Nag-abang kami sa labas ng hotel hanggang sa dumating ang sasakyan ni Dad.

Sumakay siya sa driver's seat at si Garet naman sa passenger's.

Pinasakay nya kami ni Maggie sa likod at napahilot na lang ako sintido ko. Diyosko. How can I tell Maggie that GJ had ran away?!

Naghahanap ako ng tiyempo ng biglang humawak si Maggie sa kamay ko.

"Gab, nagkamali ako." bulong nya.

"Ha?"

"I screw up! Dapat hindi ko sinabing dalawa ang anak mo. Isa lang ang anak mo. Its just Gale! Mabubuko tayo!" sitsit nya kaya napaisip ako.

I shook my head and held her hand as well.

"Hindi, tama lang yung sinabi mo. Ang alam ni Lolo akin si GJ kaya yun ang paninindigan natin. Si Othan lang naman ang may alam ng totoo eh." bulong ko ng sitahin kami ni Dad.

"What are you two whispering about?" matabang na tanong nya kaya ngumuso si Maggie.


"Wala po." sagot nya sabay dungaw sa bintana.

Di rin nagtagal narating na namin ang bahay at agad kaming bumaba. Kumatok sya at agad din namang binuksan ni Nanay Deli ang pinto.

"Jusko MM! Si GJ-!" hiyaw nya kaso tinakpan ko yun bibig nya.

Ni hindi na sya nakapalag dahil biglang sumugod si Dad sa loob para tanungin ang mga bata.

"Nasan sila?" mariing tanong nya.

"Sinong sila?" takang tanong naman ni Nanay Deli.

"Yun mga bata."

"Sir, ako na. Sumunod kayo sa akin." singit ni Maggie kaya tumango si Dad.

Umakyat kami at pumasok sa isang kwarto. Nilibot ko ang mga mata ko at namataan ko ang crib kung nasaan si Gale.

Dumiretso si Dad at sinilip nya ito.

He checked on Gale at kasalukyan itong nag-ngangat ngat ng rattle. Dad intently eyed him and touched his forehead.

"Can I hold him?" tanong nya kaya kabadong tumingin sa akin si Maggie. Tumango ako kaya tumango din sya kay Dad.

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Where stories live. Discover now