EPILOGUE PART 1

7.6K 279 75
                                    

EPILOGUE

Gab's POV

FOUR YEARS AFTER.



"Tatay ayaw ko po pumasok."


Inangat ko ang tingin ko kay Gale at piningot sya sa ilong nya. I also exhaled to answer him.

"Anak, hindi na pwede-"


"Kasi bayad na ang tuition fee mo para sa buong school year!" sabat ni GJ kaya slow-mo akong tumingin sa kanya.

"Inaasar mo ba kong bata ka?" banat ko.

"Hindi po ah! Ginagaya ko lang po yung lagi nyong sagot sa akin."

"Eh totoo naman anak eh." saad ko sabay taas sa kurbata ng uniporme ni Gale.

Tumayo ako sa pagkakaluhod at lumipat sa harap ni GJ para ayusin naman ang buhok nya.

"Anak naman, papasok ka sa eskwelahan. Bakit tayo-tayo ang buhok mo?" utas ko habang pinapatag ang weird nyang hairstyle.

"Nanay allows me to have that hairstyle, she says its cool." apela nya.

"Nagpapaniwala ka naman diyan sa nanay mo, wala namang ibang ginawa yun kundi tumingin ng Emo, Goth at Rock magazines." hirit ko kaya sumimangot si GJ.

"Bakit di na alang kasi kayo mag-sama ni Nanay? Nakakapagod na kasi! Palipat lipat kami ng bahay. Lipat dito, lipat dun-"


"Di ba pinaliwanag ko na?" sabat ko kaya tumahimik sya.

I sighed and looked at my children. God, they've both grown. GJ was now turning 8 and Gale was 4. Di nakakapagtaka kung bakit ang galing na nilang sumagot sa magulang.


At si Maggie? Mula nun nalaman niya ang totoo, hindi ko pa sya nakikita. Ang batas naming sa akin ang mga bata tuwing Biyernes, Sabado at Linggo ay tumagal na ng apat na taon.

Akalain nyo? Pede pala yun.


"Tatay!! Ayoko sabi pumasok!!" yakap ni Gale likod ko kaya hinarap ko sya para kargahin.

"Wala ng baback out. Bihis ka na saka dadating na ang Tito Theo nyo." dahilan ko.


"Oo nga Tatay, pede naman mag-home school ah. Ayoko rin mag-school!!" sigaw ni GJ kaya binalingan ko sya.

"Anak, you will never have friends if you stay at home school-"

"Who needs friends anyways! Palagi naman nila akong inaasar!" utas ng bata kaya natahimik ako.

Napapailing tuloy ako. I never thought raising two children without support from a wife could be this hard.

"Anak, you know what? Inaasar din ako dati but Ive stood up for myself." pahayag ko kaya yumuko sya.

I patted his head and leaned to whisper in his ear.

"Sige na. Be a good kuya. Kung pinapakita mo kay Gale na ayaw mo rin pumasok, iisipin nyang di talaga maganda mag-school." sambit ko kaya nagpakawala sya malalim na buntong hininga at ikot ng mata.

Sesermonan ko sana na wag nya kong iikutan ng mata ng biglang sumulpot si Theo.

"Ano? Ready na?" bungad nya kaya binaba ko si Gale.

"Tito!!" he ran towards Theo who lifted him up as well.

"Did you had a good weekend?" tanong nya sa bata na tumango naman.

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Where stories live. Discover now