Chapter 2: Mr. ******* and Ms. *******

28.9K 442 150
                                    

*Tick Tock *Tick Tock *Tick Tock

Pakshet naman. Antagal magising nitong buntis na to oh!! tingin ako ng tingin sa relos ko, pahapon na, dalawang oras na syang tulog!! ni hindi na ko nakapasok sa trabaho ko!!

Tumingin ako sa kanya at tulog na tulog sya, atlis for the first time nagmukha syang anghel, ang tabas ng dila nya grabe.

Hinihilot ko ang sintido ko hanggang sa may pumasok na nurse.

"Sir, Okay na po si Mam Nicolette, pede nyo na po syang iuwi once na magising sya.."

"Ahh, ganun ba, alright, thanks."

Ngumiti ang nurse at inabutan ako ng mansanas.

"Para sa misis nyo Sir, para sa baby boy nyo!! haha!"

"Hah-Hah.." tawa ko ng pilit at lumabas na sya.

Hay buhay, nung una drayber, ngayon napagkamalan pa kong asawa hay talaga!

Binalatan ko na lang ang mansanas at hiniwa hanggang sa mapatingin sa name tag nya at mapatawa.

Napatawa ako dahil bininyagan ko sya ng bagong pangalan, since di ko naman sya kilala eh ginamit ko ang pangalan ng aso ko.. my Siberian Husky named Nicolette.

Nilapag ko ang mga hiniwang mansanas ng nagising na ang walang hiyang buntis.

"K-Kuya? n-nandito ka pa?" aniya habang pinipilit umupo.

"Uhh.. paalis na din ako, nagfill up lang ako ng consent form."

Tumayo na ko ng bigla nyang hawakan sa braso.

"Consent form?" kaskas bagang na tanong nya. "Sino ka para pumirma ng consent?! marami akong allergies! anong tinurok nila sa akin ha?!" sigaw nya sa akin.

Anak ng kabayo! the best talaga tong babaeng tong mambwisit!!

"Wow! hanep kang babae ka!! ikaw na talaga ang pinakamatigas na mukhang nakilala ko! ingrata ka!" sabay tabig ko sa kamay nya.

"Oh, and guess what, family doctor ko pa ang nirequest ko para sayo at hindi sya tanga!! youre the worst kind of being I've ever met and to think binayaran ko pa naman ang hospital bills mo!" sagot ko sa kanya at tumalikod na ko.

Hawak ko na ang doorknob ng nagsalita sya.

"Hey! Fine! I-Im sorry..."

Umiling ako at di sya pinansin. Lumabas na ko nang narinig ko ang paghagulgol nya mula sa loob... bakit ganito, ako pa ba ang masama?

Pumasok ulit ako at hinarap sya.

"Wag ka ngang umiyak diyan, halika na, iuuwi kita, san ka ba nakatira ha? tutal sinayang mo na rin lang ang araw ko, bat di mo pa lubos lubusin?"

Di sya sumasagot, umiiyak pa rin sya, her face is buried in her hands.

Umupo ako sa kama nya at tinanggal ko ang kamay nya sa mukha.. "Hey, tahan na.."

Pinunasan ko ang luha nya gamit ang palad ko.

Humihikbi syang napatingin sa braso nyang may nakakabit na name tag.

"N-Nicolette?" tanong nya sa akin.

"Uhh.. imbento ko lang yan.. dont mind it.."

Tumingin sya sa akin at..

"I- I like it.." aniya ng nakangiti.

Natulala ako sa kanya, akalain mong cute din naman pala sya..

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon