Chapter 11: Another Bitter Chapter

11.3K 291 62
                                    

Maggie's POV

I was cussing over and over habang nagmamaneho pauwi.

Pakshit talaga! Lagi na lang akong overtime! Lintik na Machete yan!

Di ko naman masabi sabi sa kanya na kailangan kong umuwi ng maaga dahil may pinapa-dede akong sanggol!

No wonder kaya ako namamayat at natutuyot! Lagi akong knock out sa trabaho! Bwiset!

Narating ko na ang mansyon nila Gab at pumarada ako.

Dinampot ko ang sankaterbang blueprint at isinama sa pagpasok ko.

Napalingon ako sa kanan dahil naaninag kong magkakasama sila Gab, Nikki at Nicole.

Kasabay ng pagkakunot ng noo ko ay ang paninikip dibdib ko. It looks like the tables turned in a span of one week.

Fine, I admit. Nagseselos ako. Vocal naman talaga ako kung gusto ko ang lalaki eh. Nagtapat pa nga ako kay Gab dati. Takte lang tong kupal na to! Masyadong paasa! Ilang buwan nya kong niligawan tapos titigil sya bigla?!

At akala ko ba galit sya kay Nikki?! Pero bakit close na close na sila?! Ni hindi man lang nya ko matulungan magbuhat ng mga papel! I knew it, once a scumbag will always be a scumbag!

Gayunpaman inalog alog ko na lang ang ulo ko. I don't need to question them. Sila naman talaga kaya the Hell with them! magsama na nga silang mga bwiset sila!

Tumungo ako sa sala at naabutan kong nagtatalo sila Othan at GJ.

"Ninong naman eh! Ang panget! Parang kinayod ng manok!" reklamo nya dito.

"Napaka-walang modo mo talagang bata ka! Manang mana ka sa nanay mo!"

"Hoy!" hiyaw ko sabay pasok sa sala.

"Binabackstab mo ba ko ha?!" sipat ko kay Othan.

"Hindi noh! Pag sabihan mo nga tong anak mo! Tinutulungan ko na nga sa assignment nya, nanglalait pa!"

"Ano ba yan?" sabay silip ko sa ginagawa ni GJ at Penmanship pala ang pinagkakaabalahan nya.

"Oi Othan, no offense pero panget talaga. Paano ka nakalagpas ng Grade 1?" banat ko kaya padabog nyang binitawan yun lapis.

"Mag-ina nga kayo noh?! Magsama nga kayo!" tampong sabi nya sabay sandal sa sofa para mag-tinga gamit ang tooth pick.

Ibinagsak ko na lang ang mga blueprint at naupo sa tabi sa ni GJ.

"Ano ba yan anak?" tanong ko.

"Kailangan ko po kasi masulat yung Letter A hanggang D sa tig-iisang page."

"Hmm?" kinuha ko at may naalala ako.

Toka ni Gab ang Penmanship assignment ni GJ ah.

"Anak bakit kay Ninong ka nagpapatulong, kay Tatay Gab mo to ah." sita ko.

"Oo nga po! Eh yung Nicole eh! Nakakainis! Magpapatulong sana ako kay Tatay kaso inunahan nya ko!" reklamo nya kaya nagkatinginan kami ni Othan.

Nagkibit balikat sya kaya napalingon ako kung saan ko naaninag si Gab kanina.

Napahilot ako sa sintido ko at napaisip.

Okay, nasasagad na ko. I don't care if its just me pero kung si GJ na ang na-aargabyado, makikipag-sapakan na ko.

Hindi ko alam kung anong balak ni Nikki pero alam kong nakukuha na nya si Gab. Im just too damn busy para bantayan ang kilos niya.

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Where stories live. Discover now