Chapter 17: Bigyan ng exposure si Othan

8.6K 261 103
                                    

Gab's POV

Probability of Paternity: 9.999%

Shit. Di ko alam ang dapat maramdaman habang hawak ang resulta ng DNA test namin ni GJ.

Sobrang saya ko na akin ang bata pero may malaking parte sa puso ko ay takot. Alam nyo yun? Maggie will definitely digust me for this.

Takteng yan. Buti sana kung nakilala ko si Maggie bilang maintindihin, madaling pakiusapan at mapagpatawad na babae. Eh walanjo, lahat ata kabaligtaran! Panigurado, magtatanim ng galit yun!

Tinupi ko ang papel at itinago sa bagahe ko. Oo, bagahe. Nagiimpake na ko para sa pag-alis ko mamaya.


Alam ko duwag tignan pero ito na lang talaga ang naisip kong paraan.

Its just that I wouldn't risk the truth. Mamatay na lang ako pero di talaga ako aamin.


Naisip ko kasing sa ganitong paraan, maaring makita ko pa ang mga anak ko. Although, I know the consequence will be Maggie's anger. But hey, atlis di nya alam ang kasalanan nagawang ko hindi ba?

Binalingan ko naman ang mga litratong nakuha ko nun Family Day. I looked at the pictures and smile traced my face.

Eh paano ba naman? Patawa ang mga kuha ni GJ! While Gale? Gale looks like a doll... a very adorable doll. Kalalaking bata pero ang pula ng pisngi. And Maggie?

Maggie is as elegant as ever.

Bumigat tuloy ang pakiramdam ko. Thinking of leaving them behind? Sobrang nakakahinayang. They're all perfect. Paniguradong kung ito ang pamilya ko, lahat ng lalaki mamamatay sa inggit.

I got my wallet and pulled out a certain picture. Its a picture of Maggie sleeping that I took when we were back in King's Dome.

Nilagay ko din ito sa envelope at binalak na dalhin sa pag-alis ko. Itong mga litrato na ito ang tanging alas ko para di matanggalan ng turnilyo ibang bansa.

Bumaba na ko dala ang maleta ko ng maabutan si Lolo na nag-ddrama.


"Bakit Gaby? Bakit mo ko iiwan? Iiwan mo rin ang asawa't mga anak mo? Bakit?! Madami tayong pera! You dont need to work that hard!" iyak nya kaya niyakap ko sya para patahanin.

"Ano ka ba naman Lo, syempre madalas akong uuwi."

"Kahit na! Malilimutan ka ng anak mo! Mga bata pa sila! Lalo na si Galateo! At least create a memory with the kids!!"

"Lo..." pisil ko sa kamay nya. "I've decided... and besides, uuwi ako every four months."

"Four months?! Gaby naman-"

"Tama na Lo. Sige na. Aalis na po ako." biglang yakap at halik ko sa pisngi nya.

Nilingon ko sya sa huling pagkakataon ngunit tulala pa rin sya.

"Watch your health. I'll call everyday." huling bilin ko na lang sa may pintuan.

I've reached my car and loaded my bags at the trunk. Napaangat naman ako ng tingin ng maaninag si Othan sa isang gilid na umiiling iling.

"Di ko alam kung ang dahilan mo pero sisirain mo ang pamilya mo!" lapit nya kaya sarkastiko akong ngumisi.

"Pati ba naman ikaw papangaralan ako?!"

"Honoraro, wala akong pakielam sayo!! Si Maggie, GJ at Gale ang inaalala ko!!"

"Di ko sila makakaligtaan! Dadalaw dalaw ako!"

When Sperm Cell Meets Egg Cell (COMPLETED)Where stories live. Discover now