Chapter Eleven

304K 6.3K 410
                                    

ELEVEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Hindi sila matigil sa pagtaawa hababang nasa loob na kami ng van at papauwi na. Simula pa noong nakaraang araw, wala silang ibang ginawa kung hindi pagtawanan kami ni Travis. Panay mura naman si Travis sa kanila dahil ayaw talaga nilang tumigil sa pagtawa.

"Kasalanan mo ang lahat ng 'to!" Sisi sa akin ni Travis. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Aba, ang kapal naman ng mukha niyang magreklamo. Ako nga dapat ang nagrereklamo ngayon dahil niyakap niya ako noong nakaraang gabi. Nahuli kasi nila kaming magkayakap ni Travis at pinicturan nila kami. They even posted it on facebook!

"Excuse me, kasalanan ko?! Sino bang tanga ang pumunta sa kama ko at niyakap na lang ako bigla?! Gago ka pala eh!" Singhal ko sa kanya. Kapal ng mukha ng tontang 'to!

"Nagpayakap ka naman!" Sagot niya sa akin. Saglit akong natigilan at muli siyang tinaasan ng kilay. Dapat hindi mawala ang pagiging mataray ko para matakot siya sa akin.

"Hindi ako nagpayakap, sadyang inaantok lang ako at wala na akong pakielam pa sa paligid ko. At ang kapal rin pala ng pagmumukha mong sadyang makapal na. Ikaw pa ang may ganang magreklamo? Aba, Travis. Ako ang babae sa ating dalawa at hindi ikaw! Unless, pusong babae ka." Sabi ko sabay irap sa kanya.

"Pusong babae! Baka gusto mong pasukin ka nitong Junior ko! Maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo, Jeorge." Banta niya sa akin. Walang sabi-sabi ko naman siyan sinapak at sinabunutan.

"Bastos ka talagang lalaki ka!" Sabi ko habang kinakalbo ko ang mahaba niyang buhok.

"Hoy, tumigil nga kayo diyan! Walang araw na hindi kayo nag-away." Rinig kong sabi ni Xander. Nakita kong lumipad ang middle finger ni Travis sa ere. Humalakhak lamang si Xander.

"Tang ina talaga, magtitimpi ako ngayon." Rinig kong bulong ni Travis pagkatapos ko siyang sabunutan.

"May pabulong-bulong ka pang nalalaman diyan!" Inis kong sabi sa kanya. Hindi siya sumagot at nakita ko lang ang pagyukom ng mga palad niya at pagtatagis ng bagang niya. Pinipigilan talaga niya ang sarili niya.

Buong biyahe ko siyang hindi pinansin dahil naiinis lang ako kapag kakausapin ko siya. Makita ko pa nga lang ang mukha niya, naaasar na ako. Kausapin pa kaya siya? Hindi ko na lang siya pinansin at itinuon ko na lang ang atensyon ko sa mga nadaraanan namin. Hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang ako na si Travis at ako na lamang ang nasa loob ng sasakyan.

Saglit ko siyang pinakatitigan at napansin kong mukha siyang anghel at inosente kapag tulog. Tipong parang hindi siya nagsasalita nang kung anu-anong mga bastos na bagay. Ganoon ang itsura niya kapag natutulog pero kapag gising na siya, kabaligtaran na ang lahat ng iyon. I sighed.

"Hoy unggoy, gumising ka na." Sabi ko at tsaka ko siya niyugyog. Umungol lamang siya sa pagyugyog kong iyon.

"Aba,tulog mantika pala ang unggoy na 'to." Sabi ko sa sarili ko. Wala sa sariling napangiti ako ng may maisip ako bigla. Agad kong inilabas ang pentel pen ko sa bag at tsaka ko inilabas ang ispirito ni Michael Angelo sa katawan ko.

LUMABAS ako sa van na ngiting-ngiti. Hindi talaga mawala ang ngiti sa mukha ko lalo na't naipakita ko na naman ang galing ko sa art. I am pretty sure na magmumukha talaga siyang aso sa ginawa ko sa kanya. Tumawa ulit ako na parang sira.

"Hi girls!" Ngiting-ngiti kong bati sa kanila. Napakunot naman ang mga noo nila dahil kakaiba talaga ang ngiting ipinapakita ko sa kanila.

"Bati na kayo? Bakit parang ang saya mo ata?" Tanong sa akin ni Din. Ngumiti naman ako sa kanya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon