Chapter Thirty Two

236K 6.5K 1K
                                    

THIRTY ONE

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Nakataas ang noo ko ng pumasok ako sa loob ng classroom namin. Halos lahat sila ay napatigil sa kanilang ginagawa nang pumasok ako. Sino ba namang hindi mapapatigil kung makakita sila ng dyosang tulad ko, hindi ba?

"Ang aga mo ata?" Puna ni Mae ng makaupo ako sa tabi niya. I lifted a brow at her before I speak.

"Maaga talagang pumapasok ang mga dyosa, hindi mo alam? How sad to your part." I sarcastically said. She just rolled her eyes.

"Whatever, Rivas." Ani niya at tsaka muling itinutok ang atensyon sa librong binabasa niya. Ito ang gusto ko kay Mae, nasasakyan niya ang ugali ko. Hindi katulad ng iba na makikipagplastikan na nga lang sa akin, halata pa.

Gumala naman ang mga mata ko sa buong classroom at doon ko lang napagtanto na wala pa si Travis. Mabuti naman, ayokong masira ang araw ko dahil lang sa pagmumukha niya.

"Hindi mo ata kasabay si Travis?" Tanong sa akin ni Mae. Inilabas ko naman ang libro ko sa Physics para pag-aralan ang lesson namin mamaya.

"Don't say bad words, please." I said not looking at her.

"L.Q?" Napatingin naman ako sa kanya.

"L.Q? Bakit kami ba?" Kaswal kong sabi sa kanya at tsaka ko muling ibinaling ang mga mata ko sa librong hawak ko.

"Why are you look so mad? It seems he did something really wrong." Saad niya.

"Alam mo, Mae. Ngayon ko lang nalaman na may pagkatsismosa ka rin. Pwede ba? Ayokong pag-usapan si Travis ngayon dahil umiinit lang ang ulo ko." Iritable kong sabi sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya sa sinabi kong iyon. "May ginawa nga sa'yo si Montemayor. Usually, hindi ka naman ganyan magalit. Pero hindi na ako magtatanong, mamaya sabunutan mo na lang ako bigla." Saad niya, inirapan ko lang siya.

Dumating ang teacher namin na hindi pa rin pumapasok si Travis. Mas maganda na ngang hindi siya pumasok, maglandi na lang siya at sigurado naman akong wala rin siyang future. Hindi na nga ako magtataka kung malaman kong nakabuntis na pala siya. Knowing how manyak he is.

"Jeorge, nakita mo ba si Travis?" Tanong sa akin ni Romar.

"Hanapan ba ako ng nawawalang aso?" Masungit kong tanong sa kanya.

"Sungit ah, meron ka?" Sagot niya sa akin. Mabilis naman na lumipad sa hangin ang middle finger ko. Wala akong panahon na makipagbiruan sa mga alagad ni Travis na mukha rin namang aso tulad niya.

Pumasok na ang pangalawa naming teacher at nasa kalagitnaan siya ng pagtuturo ng biglang pumasok si Travis. Nakuha naman niya ang atensyon ng lahat lalo na't pulos band-aid ang mukha niya. May pasa pa siya sa gilid ng labi niya at parang sumabak siya sa giyera. Salamat sa taong bumugbog sa kanya. I muttered to myself.

Hindi siya pinansin ng teacher namin at nagtuloy-tuloy lang ito magturo. Siya naman ay dumiretso sa upuan niya. Bigla siyang lumingon sa pwesto ko at nagtama ang mga mata naming dalawa. Agad ko siyang inirapan ng bongga. Sino siya para bigyan ko ng atensyon?

Itinuon ko ang pansin ko sa itinuturo ng teacher namin sa unahan. Alam kong panaka-naka niya akong nililingon pero hindi ko siya pinapansin. Wala ng rason pa para bigyan ko ng atensyon ang mga tulad niyang paasa.

Tatlong subjects ang natapos ng umagang iyon. Break time namin kaya agad kong inaya si Mae para kumain sa cafeteria. Naunang lumabas si Travis at mukhang nakakaramdam naman siya na ayaw ko na siyang pansinin pa. Aba, akala ko magtatanga-tangahan na naman siya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon