Chapter Nine

323K 6.5K 240
                                    

NINE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Excited na talaga ako!" Tuwang-tuwang saad ni Din habang nagtatatalon sa ibabaw ng kama niya. Nandito kami ngayon sa bahay nila dahil mag-oovernight kami para bukas.

"Parang hindi ka pa nakakapunta ng Baguio." Ani ni Heena habang kumakain ng pizza na pinadelivery namin.

"Nakapunta na ako 'no! Excited lang ako dahil kumpleto tayo!" Nakangiting sabi ni Din sa amin. Bukas na kasi ang fieldtrip ng school namin at napagpasyahang  na sa Baguio ang maging destinasyon namin ngayong taon.

"Ikaw lang ata ang excited. Ayaw ko ngang makasama iyong Travis na 'yon tapos pinili n'yo pang sa iisa na lang tayong kwarto mag-stay sa loob ng tatlong araw." Iritable kong sabi sa kanila. Hiniling kasi nila sa school administration na pag-isahin na lang kami ng kwarto kahit pa magkakaiba kami ng year level. Pumayag naman ang school sa hiniling nilang iyon. Pabor din kasi sa amin 'yon para maging safe kaming lahat. Mayroon kasing inatasan si Tito Levinn na magbantay sa amin at baka raw kung anu-anong kabalastugan ang gawin nila na ikapahamak namin.

"Masaya kaya 'yon! Tatakutin natin 'yong boys!" Sabi pa ni Din.

"Tatakutin? Baka nga tayo ang matakot sa kanila. Mukha pa lang nila, nakakakilabot na." Sagot ko kay Din. Ngumuso naman siya sa naging sagot ko. Totoo naman kasi ang sinasabi ko. Lalo na 'yong Travis na 'yon. Subukan lang talaga akong asarin ng Travis na 'yon at walang pag-aalinlangan ko siyang ihuhulog sa bangin sa Baguio!

"Bakit naman kasi ang laki ng galit mo kay Ravis. Pwede mo namang h'wag na lang siyang pansinin.Kahit pa lagi ka n'ong kinukulit. Ikaw din kasi ang may kasalanan, kung hindi mo pinapatulan ang pang-aasar n'ya. Hindi ka n'ya aasarin lalo!" Sabi ni Din sa akin. Tumango naman si Heena at Felice sa sinabi niya.

"Paanong hindi ko siya papatulan? Puro kabastusan kaya nalabas sa bibig n'on!" Angal ko sa kanila.

"Kahit na. Cold treatment lang, makikita mo. Hindi ka na niyan kukulitin. Ganoon naman kahinaan ng mga lalaki eh. Kapag hindi mo pinansin, tatahimik na lang 'yan dahil wala namang pumapansin." Dagdag pa ni Din. Sumang-ayon naman si Heena at Felice sa sinabi ni Din. Hmpf. Wala na naman akong kakampi! Nasaan na ba kasi si Rissa?

"Paano ko i-cocold treatment 'yong isang 'yon? Alam mo namang sobrang kulit n'on at sino'ng hindi mabubwisit sa sobrang kakulitan n'ya? Eh miski nga si Tito Trav hindi kinakaya ang kakulitan n'ya. Kay Tito Levinn nga lang ata siya takot." Sabi ko pa.

"Ano ka ba! Takot din siya kay Tita Freen tsaka sa Mommy n'ya. Miski nga kay Mommy takot din siya eh. Kaya ikaw, dapat i-under mo si Travis. Tignan mo si Tito Levinn, tiklop pag dating kay Tita Freen. Naalala mo ba noong minsan nandoon tayo? Nagalit si Tita Freen kay Tito Levinn at hindi makasagot si Tito Levinn! Ganoon dapat!" Sabi pa ni Din. Napakunot naman ang noo ko.

"Siyempre, kaya takot si Tito Levinn kay Tita Freen kasi asawa n'ya iyon. Eh hindi ko naman asawa si Travis at maisip ko pa lang na asawa ko siya, pakiramdam ko mababawian na ako ng buhay." Sabi ko sa kanila. Tumawa naman si Felice sa sinabi ko.

"Di paano si Heena? Fiancé na n'ya si Axcel!" Natatawang sabi ni Din. Tinawanan naman namin si Heena na napasimangot.

"Tigilan n'yo ako diyan. Hindi ako makakapayag na magpakasal sa Montemayor na 'yon." Ani niya. Tinawanan lang namin siya.

Masaya ako dahil naging mga kaibigan ko sila. Nailalabas ko kung sino ako at kung ano ako. Kung mayroon man kaming mga tampuhan. Hindi namin iyon ipinagpapabukas pa. Pinag-uusapan namin agad iyon at agad kaming nagkakabati. Kami-kami na lang kasi ang tunay na magkakaibigan. May mga lumalapit nga sa amin pero para lang sumikat o hindi naman kaya ay makalapit sa mga Montemayor boys. Alam na namin kung sino ba talaga ang gustong makipag-kaibigan sa amin o hindi. Basta masaya na ako na sila na lang ang mga kaibigan ko. Kuntento na ako kung ano'ng mayroon ako.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon