Chapter Six

347K 7.1K 439
                                    

SIX

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Bakit ba kasi natin sila panonoorin? Sigurado namang talo sila!" Naiinis na sabi sa akin ni Heena. Nandito kasi kami ngayon sa court ng village namin. Maglalaro kasi sina Axcel, Aivan, Xander, Travis at Shaun nang basketball. Kalaban nila iyong mga schoolmate rin namin na tiga rito lang din sa village namin.

"Ang nega mo naman! Malakas kaya ang team Montemayor!" Pagmamalaki naman ni Din. Marami nang tao sa loob ng court at hindi ko alam kung paano nila nalamang may laro ang mga Montemayor.

Nalagpasan ko na ang unang taon ng highschool at ngayon ay grade eight na ako. Ako pa rin ang nangunguna sa klase at walang pwedeng umangkin ng posisyon ko. Sa kasamaang palad, kaklase ko pa rin si Travis at walang araw kaming hindi nag-away. Hindi pa rin kasi siya nagbabago at ganoon pa rin ang ugali niya. Ngayon nga lang, panay ang girlfriend niya na akala mo ay nagpapapogi sa kanya. Feeling naman niya ang g'wapo-g'wapo niya kapag marami na siyang naging girlfriend. If I know, pasikat lang talaga siya.

"Bakit ba kasali pa d'yan si Axcel? Hindi naman magaling 'yan!' Ani ni Heena na magkasalubong ang mga kilay na nakatingin kay Axcel.

"Hoy, dapat nga sinusuportahan mo 'yan. Fiancé mo na kaya siya!" Paalala sa kanya ni Din. Lalo namang nagsalubong ang mga kilay ni Heena dahil sa sinabi ni Din. Natawa lang kami ni Rissa sa naging reaksyon nito.

Panay ang cheer ni Din sa mga pinsan niya samantalang kami ay pinapanood lang sila. Bakit ba ang hilig ng mga lalaking maglaro ng basketball? Puro shoot lang naman ng bola tapos pagpapawisan pa sila. Hindi ba sila nababahuan sa sarili nila kapag pinagpapawisan sila? Tapos magdidikit pa 'yong mga balat nila habang pawis na pawis. Yuck! Ma-imagine ko pa lang na balat ko ang dumidikit sa mga pawisan nilang balat, nandidiri na ako.

Nag-umipasa na ang laro. Sa kabilang team ang bola kaya naman todo bantay ang mga Montemayor boys sa ring ng kalaban. Tinignan ko si Travis na seryosong binabantayan 'yong kalaban nilang kasing height niya. Kahit kasi 13 yrs. Old pa lang si Travis, matangkad na ito. Actually, lahat silang magpipinsan matatangkad. Miski nga si Din at Rissa ay parehong matatangkad.

Naghihiyawan sa buong court at marami pang dumarating para manood sa laban nila. Naagaw ni Travis ang bola kaya bigla akong napatayo. Ewan ko ba, parang kinabahan ako bigla at parang mayroon bumubulong sa isip ko na kailangan niya iyong i-shoot ang bola para sa akin. Hindi naman niya ako binigo sa hiniling ko.

He shoot the ball! Napasigaw ako ng wala sa oras. Ang galing!

"Di ba? Sabi ko naman sa'yo magaling ang mga pinsan ko eh." Sabi pa ni Din sa amin. Si Heena ay nakasimangot lang habang nanonood. Nag-away na naman ba sila ni Axcel?

Tumagal ang laro at mas lalo akong kinakabahan. Kakatapos lang kasi ng third quarter at 78-82 ang score. Lamang ang kalaban ng apat na puntos.

"Hoy Ravis! I-shoot mo 'yang bolang hawak mo! Kung hindi sasakalin kita hanggang sa mamatay ka!" Sigaw ko sa kanya. Napalingon naman siya sa akin at ang mokong, kinindatan pa ako!

"#12 Montemayor shoot the ball for three points!" Naghiyawan ang mga babaeng patay na patay kay Travis. Lumingon naman siya sa pwesto ko at ningitian ako ng pamatay niyang ngiti. Inirapan ko lang siya.

Oo na, magaling na siya!

"Heena, hindi mo man lang ba i-checheer si Axcel? Bigyan mo naman ng inspirasyon!" Sabi ni Din. Umismid lamang si Heena at mataray na umirap kay Axcel.

"Kung magaling talaga siya, hindi na niya kailangan pa ng inspirasyon." Mataray nitong sabi sa amin.

"Magiging asawa mo 'yan, kaya dapat proud ka sa kanya!" Pang-aasar pa ni Din.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon