Chapter Thirty Four

255K 6.8K 673
                                    

THIRTY FOUR

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Nakatungo lang si Travis sa may harapan ko habang nakaupo siya sa dulo ng kama sa may guest room. Doon ko piniling mag-usap kami para walang umistorbo sa aming dalawa at para na rin makapag-usap kami ng matino. Ito na ang tamang oras para makapag-usap kaming dalawa at para na rin matigil ang kadramahan niyang ito.

"Bakit mo sinapak si Xander?" Seryoso at maawtoridad kong sabi sa kanya. Hindi naman siya nagsalita at tahimik pa rin siya. Kung titignan mo siya, para siyang batang pinapagalitan dahil mayroon siyang nagawang kasalanan.

"I got pissed that's why I punched him." Kaswal niyang sagot na hindi man lang tumitingin sa akin. Bakit ba parang takot na takot siyang tignan ako?

"Ano ba ang sinabi niya sa'yo at napikon ka?" Seryoso ko pa rin na sabi.

"Ayaw mo na raw sa akin." Sagot niya sa akin. Ayaw niya pa lang kamuhian ko siya pero siya 'tong gumagawa ng dahilan para mainis ako sa kanya. Gago talaga 'tong lalaking 'to.

"Nagpatuo ka naman?" Masungit kong tanong sa kanya. Jusko, minsan naman paganahin naman niya ang utak niya! Hindi 'yong basta na lang siyang nagpapauto sa mga pinsan niyang maloko!

 

"Oo." Mahina niyang sagot habang nakatungo pa rin. Huminga naman ako ng malalim dahil miski ako ay kinakabahan sa pag-uusap naming ito. Ilang lingo ko rin siyang hindi nakausap at aaminin ko, namiss ko si Travis.

"Let's talk." Nagawa kong sabihin. Napaangat naman siya ng tingin sa akin at bakas sa mukha niya ang pagtataka. Hindi siya sumagot sa sinabi ko, para lang siyang tangang nakatitig sa mukha kong maganda.

"Oh? Ano pang tinatanga-tanga mo diyan? Magpaliwanag ka na!" Mariin kong giit. Doon lang siya bumalik sa katinuan niya at agad na tumayo at humarap sa akin. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Buti na lang at medyo matangkad ako at hindi ako nalulula sa height niya.

"I—I don't know what to say, alam kong mali ako at aminado ako na nagkamali nga ako. Pinagsisihan ko kung bakit ko nagawa at nasabi sa'yo ang mga bagay na 'yon." Seryoso niyang sabi habang diretsong nakatitig sa mga mata ko.

"Buti naman at aminado ka sa nagawa mong kasalanan." Mataray kong sabi sa kanya.

"Alam kong minsan may pagkatanga ako kaya ko nagagawa ang mga bagay na 'yon, nakalimutan ko lang na mayroon na akong nililigawan—"

"Anong minsan? Lagi kaya." Hindi ko na nagawang patapusin pa ang sasabihin niya. Nag-iwas naman siya ng tingin at may kung anong binulong sa hangin.

"Patawarin mo sana ako kung nasabi ko sa'yo 'yon, kaibigan ko lang si Liana at nagkamustahan lang kami at hindi ko naman alam na naroroon din kayo—"

"Kaibigan? Holding hands tapos kaibigan? Aba, ibang klase rin naman pala ang kalandiang taglay mo, Montemayor." Giit ko sa kanya.

"Tangna, barado na naman ako." Bumulong ulit siya pero hindi ko narinig kung ano ba iyon.

"May sinasabi ka?" Nakataas ang kilay kong tanong sa kanya.

"W—Wala. Ang sinasabi ko lang, matagal din kaming naging magkaibigan kaya malapit kami sa isa't isa. Aaminin ko, siya ang first love ko pero dati pa 'yon, tapos na. Ngayon iba na ang nagmamay-ari ng puso ko, hindi na siya. Ikaw na, Jeorge." Hindi naman ako nakasagot sa sinabi niya. Nag-iwas lang ako ng tingin at tumalikod sa kanya. Ewan ko ba kung ito na 'yong tinatawag nilang 'kilig factor'. Pakiramdam ko kasi may mga nagrarambulam na kung anong bagay sa sistema ko.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon