Chapter Fifteen

286K 7.1K 334
                                    

FIFTEEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge, nakabuntis ako." Bulong sa akin ni Travis habang yakap-yakap niya ako ng mahigpit. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon at agad siyang itinulak ng pagkalakas-lakas.

"Hoy! Anong nakabuntis ka?! Gago ka ba?! Bakit ka nakabuntis?! Ilang taon ka lang, tapos nakabuntis ka na?! Sinong tangang babae ang nagpabuntis sa'yo?! Paano mo bubuhayin 'yong magiging anak mo?! Travis naman, alam ko namang matagal ka ng tanga pero sana naman gumagamit ka ng condom! Paano na lang ang kinabukasan mo?!" Galit na galit kong sigaw sa kanya. Hiningal pa ako pagkasabi ko noon. Tinignan ko naman siya at ang unggoy, ningitian lang ako ng nakakaloko.

"Ano'ng ningingiti-ngiti mo diyan?! Nakabuntis ka na nga lahat-lahat, may gana ka pang ngumiti?!" Galit ko pa rin na sigaw sa kanya.

"Ang O.A mo naman masyado, Jeorge. Nag-jojoke lang naman ako." Nakangisi pa rin niyang sabi. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa ulo ko at walang sabi-sabi siyang sinapak.

"Tang ina." Narinig kong mura niya ng bumagsak siya sa damuhan.

"Gago ka! H'wag na h'wag mo akong maloko-loko, Travis!" Inis na inis kong sabi sa kanya. Agad naman siyang tumayo at tinignan ko siya ng matalim.

"Alam mo namang babae lang ako at nabibigla! Tapos sasabihin mo na lang sa akin na nakabuntis ka?! Nakakainis ka! Nakakainis ka!" Sabi ko habang pinaghahampas ang dibdib niya. Hinayaan niya lang ako pero agad din niyang hinuli ang mga kamay ko. Natigilan ako sa paghawak niyang iyon at tila ba bigla akong nakaramdam ng kuryente na dumaloy sa buo kong sistema.

"Why are you crying?" Saad niya at may biglang hinawi sa pisngi ko. Agad akong napaiwas ng tingin at tinabig ang mga kamay niyang nakahawak sa akin. Tinalikuran ko siya dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

"H—Hindi ako umiiyak!" Mariin kong giit sa kanya.

"Hindi nga ba talaga?" Sabi niya sa may likuran ko.

"Oo!" Mariin ko pa rin na sagot.

"Humarap ka nga sa akin kung hindi ka umiiyak." Sabi niya. Marahas ko namang hinawi ang tubig sa may pisngi ko at humarap sa kanya. Natigilan ako dahil nakangiti siya sa akin na para bang natutuwa sa pag-iyak kong iyon.

"You cried, Jeorge." Sabi niya sa akin habang ang mga kamay niya ay nakahalukipkip sa bulsa niya.

"I did not!" Sagot ko sa kanya. Lumapit siya sa akin at hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Tila ba napako ang mga mata ko sa kanya at hindi ko magawang maialis ang tingin ko sa mga mata niya. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa at ramdam ko ang paghuhurementado ng puso ko.

"I always wanted to do this to you, Jeorge." Paos niyang sabi at walang sabi sabing hinalikan ako. Nagulat ako sa ginawa niyang iyon at dilat ang mga mata ko habang patuloy niya akong hinahalikan. Ang mga kamay niya ay marahang humawak sa magkabila kong pisngi. Hindi ko alam ang gagawin ko hanggang sa tumigil siya sa paghalik sa akin pero hindi pa rin niya inilalayo ang mga labi niya sa labi ko.

"Kiss me back, Jeorge." Bulong niya sa mga labi ko na hindi naman nagkakalayo. Muli niyang inangkin ang mga labi ko at sa pagkakataong ito, ginantihan ko ang bawat halik niya. Ito ang unang beses na mahalikan ako ng isang lalaki at hindi ko alam ang gagawin ko. Ginagaya ko lang kung ano ba ang ginagawa niya sa mga labi ko. Hindi ko alam pero parang kusang gumalaw ang mga braso ko at iniyakap ko iyon sa leeg niya. Nagugustuhan ko ang ginagawa niyang paghalik sa akin at para bang may nagsasalita sa loob ko na h'wag siyang patigilin sa ginagawang pag-angkin sa mga labi ko. Naramdaman kong bumaba ang mga kamay niya sa bewang ko at unti-unti akong hinapit papalapit sa katawan niya.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon