Chapter Twelve

308K 7.3K 695
                                    

TWELVE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Jeorge, mayroon ka na bang kapartner para sa prom night?" Tanong sa akin ni Mae habang pareho kaming kumakain. Senior highschool na kami at dalawang taon na lang ay gagraduate na kami sa highschool.

"Inaaya nga ako ni Ian Somerhalder pero tinaggihan ko muna. Si Alex Pettyfer naman pinipilit ako, konti pilit na nga lang niya, papayag na ako. Pero ito namang si Chris Evans, bigla na lang susulpot at aayain akong maging partner niya. Ang hirap kayang mamili sa kanilang tatlo." Sagot ko kay Mae na sinimangutan naman ako dahil sa naging sagot ko sa kanya. I checked some of my notes. Mamaya kasi ay may quiz kami sa Physics at balak ko sanag i-perfect ulit.

"Kung mangangarap ka na lang, sana naman 'yong medyo nasa realidad." Ani ni Mae.

"Ito naman, hindi ka na mabiro. Pero wala pa, ayoko rin namang umattend sa prom night na 'yan. Kung available sana si Kuya Greg, siya ang yayayain ko. Kaso may fiancée na eh. Kainis." Sabi ko habang binubuklat iyong notebook ko sa Physics.

"You mean, 'yong pinsan nina Travis na g'wapo? Crush ko rin 'yon!" Sabi ni Mae. Bigla ko naman siyang sinabunutan.

"Crush na nga lang, aagawan mo pa ako? Bwisit ka rin eh 'no." Inis kong sabi sa kanya at tsaka ko siya inirapan.

"Grabe ka naman, Jeorge! Di si Travis mo na lang ang patulan mo, tutal naman destiny kayo ng dalawang 'yon eh. Tignan mo, apat na taon mo na siyang kaklase!" Sabi ni Mae sa akin. Sumimangot naman ako bigla. Napahiwalay kasi si Mae ng section last year kaya hindi ko siya kaklase. Iniyakan ko pa 'yong panot na teacher namin para kunin si Mae pero ang walanghiyang si Travis, kinontra na naman ako. Hindi ko talaga makakalimutan kung paano niya ako barahin sa lahat ng bagay. Bwisit! Wala man lang magawang matino sa buhay.

"Don't say bad words, please." Sabi ko sa kanya sabay irap. Tinawanan lang niya ako. Nasa cafeteria kami't kumakain at nag-rereview na rin para sa quiz namin mamaya. Kasalukuyang kumakain ako ng may biglang mahagip ang mga magaganda kong mata.

"Stupid asshole." I muttered to myself. Napatingin naman si Mae sa tinitignan ko.

"Ang sarap lang nilang buhusan ng mainit na tubig 'no?" Inis kong sabi kay Mae habang nakatingin kay Travis na nakikipaglampungan sa girlfriend niyang blonde. Kunot noong tinignan naman ako ni Mae sa sinabi ko sa kanya.

"Alam mo minsan, Jeorge. Napagkakamalan kitang may gusto kay Travis. Lagi ka na lang kasing naiinis at nagagalit kapag nakikita mo siyang may kalandian." Sabi sa akin ni Mae. Sinamaan ko naman siya bigla ng tingin.

"Bigyan mo naman ako ng class, Mae! Ang ganda-ganda ko at ang tali-talino, ipapartner mo ako sa tulad niya? Duh. Kung kasing brain wave niya sana si Axcel at Aivan sa katalihunan, di sana pinatulan ko pa siya kahit papaano." Sabi ko kay Mae sabay irap.

"Ang ganda mo ha!" Sarkastikang sabi niya sa akin. Napatingin naman ulit ako kay na Travis. Nakaakbay siya roon sa girlfriend niyang blonde na sixth year na ata. Hinahalik-halikan niya iyong leeg noong babae at halatang-halata namang gustong-gusto niya ang ginagawa ni Travis sa kanya. Wala man lang silang class at dito pa sa cafeteria naglalampungan.

Biglang napalingon si Travis sa pwesto ko at bigla niya akong kinindatan. Inirapan ko naman siya ng bongga. Dukutin ko kaya 'yang mga mata niya? Bwisit na lalaking 'to. Ang landi-landi. Nakikipaglampungan na nga sa girlfriend niya, nangingindat pa.

"Hi. Pwedeng makiupo?" Bigla naman kaming napalingon ni Mae sa boses ng isang lalaki.

"Hindi—" Sasagot na sana ako ng bigla namang magsalita si Mae.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon