Chapter Fifty Seven

263K 6.4K 357
                                    

FIFTY SEVEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak na lamang kahit na gusto kong lumaban at ipagtanggol ang sarili ko. Kahit na nanghihina ako at nawalan na ng pag-asa, gusto ko pa rin lumaban at ipagtanggol ang sarili ko kahit sa huling pagkakataon.

"Tang ina, h'wag ka ng lumaban!" Mariing giit nila sa akin kasaabay ng pagsuntok ng lalaking may hawak ng balisong sa sikmura ko. Naramdaman ko ang pagguhit ng sakit sa buong sistema ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa akin. Naramdaman ko rin ang tulis ng balisong sa may tagiliran ko at mas lalo akong napaiyak ng dahil doon. Mahina akong nanalangin na sana ay walang masamang mangyari sa akin pero habang tumatagal ay mas lalo lamang akong nawawalan ng pag-asa. Lalo na ng bigla nilang tanggalin ang suot kong sweater at punitin ang damit ko. Pilit kong ipinapasok sa isipan ko na isa lamang itong bangungot at hindi ito totoong nangyayari.

"Travis..." Mahina kong bulong sa hangin habang unti-unti nilang binababoy ang sarili ko, at habang ang mga luha ko ay patuloy na tumatakas mula sa mga mata ko.

"Putang ina—" Natigilan sila ng may biglang sumipa sa kanilang dalawa. Malabo na ang paningin ko at hindi ko kaagad naaninag kung sino ang sumipa sa kanila. Tumayo agad ako at tinakpan ang sarili kong katawan. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak at tahimik akong nagpasalamat sa itaas dahil mayroong dumating para iligtas ako.

Tinignan ko maigi kung sino ba iyon at bumilis ang pintig ng puso ko ng makilala ko siya. Pakiramdam ko ay lumundag ang puso ko at muling nagkaroon ng pag-asa ang sistema ko dahil sa kanya.

"Get in the car!" Sigaw niya sa akin habang hawak niya iyong damit ng lalaki at walang sabi-sabi itong sinuntok. Tumalima naman ako sa sinabi niya at dali-daling pumasok sa sasakyan niya. Nakahinga ako ng maluwag pero hindi pa rin mawala ang takot sa dibdib ko. Muntik na ako kanina at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling natuloy ang masama nilang binabalak sa akin.

Nilingon ko siya sa may labas at nakita kong patuloy pa rin siya sa pambubugbog sa dalawang lalaking nagtangka sa akin. Para bang galit na galit siya at lahat ng hinanakit niya sa buhay ay inilalabas niya roon. Kahit na nanginginig pa rin ang buo kong katawan ay nagawa kong bumaba ng sasakyan niya at awatin siya sa ginagawa niya.

Ayokong ako ang maging dahilan para siya naman ngayon ang mapahamak. Hindi kakayanin ng kunsensya ko kung mayroong mangyaring masama sa kanya.

"Travis..." Mahina kong tawag sa kanya. Hindi siya lumingon sa akin at patuloy pa rin siya sa pambubugbog doon sa lalaki. Bagsak na iyong isang lalaki at kahit na wala ng malay ay patuloy pa rin niyang pinauulanan ng suntok ang isa.

"Travis, stop it." Umiiyak kong sabi sa kanya. Doon lamang siya tumigil sa kanyang ginagawa at tsaka bumaling ng tingin sa akin. Hindi katulad kanina ay mas kalmado na ang itsura niya ngayon. Lumapit siya sa akin at mahigpit niya akong niyakap. Ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at doon ay umiyak. Pakiramdam ko ay ligtas na ako sa mga yakap niya at  hindi na ako mapapahamak pa.

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon ng isakay na niya ako sa sasakyan niya. Kumalma na rin ako kahit papaano at medyo nahimasmasan na rin ako. Tahimik lamang kami habang nasa loob kami ng sasakyan. Walang nagsasaltia sa amin kahit na gusto kong kausapin siya.

Lumingon ako sa pwesto niya at nakita kong hinubad niya ang sweater niyang suot at iabot iyon sa akin. "Wear it." Tipid niyang sabi sa akin habang iniaabot ang sweater niya. Tinanggap ko naman iyon at katulad ng sinabi niya ay sinuot ko iyon. Binuhay na niya ang makina ng sasakyan at pinaandar iyon papunta sa may bulding ng unit niya. Saglit din siyang nagpark sa may gilid at nauna siyang bumaba. Pinagbuksan niya ako ng sasakyan at bumaba naman ako.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon