Chapter Four

356K 7.3K 218
                                    

FOUR

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Narinig mo ba 'yon? May kaklase tayong Montemayor!" Narinig kong sabi nang isa kong classmate. Agad naman akong napalingon sa pwesto nila at pulos mga kalandian lang sa buhay ang pinag-uusapan nila.

"Ano'ng sabi mo?" Agad kong tanong sa babaeng nagsalita kanina. Tinaasan naman n'ya ako ng kilay kaya tinaasan ko rin siya ng kilay.

"What?" Maarte nitong sabi sa akin.

"Tagalog na nga hindi mo pa naintindihan? Sabi ko ano'ng sinabi mo." Maarte ko rin na sabi sa kanya.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo? Kasalanan ko ba kung bingi ka?" Maarteng sagot niya sa akin at tsaka ako inirapan. Aba't!

"Kinakausap kita ng maayos tapos ganyan ka makasagot? Tinuruan ka ba ng past school mo ng good manners and right conduct? O sadyang wala ka lang talaga ng manners sa katawan?" Naiinis kong sabi sa kanya. Kapag ganito pa namang may gusto akong malaman, desperada ako.

"Sino ka ba? Akala mo naman kung sino ka! Pakielam ko ba sa'yo? Mind your own business." Sagot nito sa akin. Sasagot na sana ako ng may umakbay sa akin at bigla akong halikan sa pisngi.

"Hi bae, kaklase pala kita." Nakangisi niyang sabi. Agad ko siyang sinabunutan dahil sa ginawa n'ya.

"Aray ko! Shit, you stubborn woman!" Reklamo n'ya habang sinasabunutan ko siya.

"Hayop ka! Hindi ka na nagbago!" Naiinis kong sabi sa kanya at tsaka ko tinigilan ang pagsabunot sa kanya.

His hair is very messy yet he looks so damn good and I really hate it!

"Tang ina, sakit mo manabunot!" Naiinis niyang sabi sa akin. Inirapan ko siya ng bongga.

Ilang taon na rin ang lumipas at hindi pa rin nawawala sa landas ko si Travis. It's my first day of being a high school student and I should be excited but it was all vanished when I heard I have a classmate whose surname is a Montemayor. Isa lang naman kasi ang Montemayor na ka-level ko at walang iba kung hindi si Travis na walang ginawa kung hindi asarin ako.

"Minumura mo ba ako?!" Galit kong sigaw sa kanya.

"May sinabi ba akong 'tang ina mo Jeorge'? Assuming ka masyado!" Galit din n'yang sigaw sa akin habang hinihimas 'yong ulo niya. Siguro masakit nga ang pagkakasabunot ko sa kanya at hindi ako satisfied na masakit lang. Gusto ko masakit na masakit.

"Hindi ako assuming! Magpapalipat ako ng section kay Daddy! Ayokong maging kaklase ka!" Naiinis kong sabi sa kanya.

"Di lumipat ka! Pakielam ko ba sa'yo, ano ka ba? Chicks? Akala mo naman ang ganda mo!" Naiinis din n'yang sabi sa akin.

Natigilan naman ako saglit. First section ang section ko at hindi ako pwedeng lumipat ng section dahil kailangan kong maging top 1. Kung hindi naman ako lilipat, pagtyatyagaan ko ang kademonyohan ni Travis sa loob ng sampung buwan. Ughh, I hate this! I really hate this!

"Bwisit!" Sabi ko at tsaka ko siya tinalikuran at bumalik sa upuan ko. Mga nakanganga lang ang mga kaklase ko sa napanood nilang pag-aaway namin ni Ravis. Sino ba naman kasing hindi magugulat na may nag-aaway na agad kahit pa first day of school pa lang?

Nakita ko namang umupo siya sa kasama ng mga lalaki sa may likuran na malapit lang din sa akin. Iniripan ko siya nang lumingon siya sa pwesto ko.

My highschool life will be damned as hell!

LUMIPAS ang mga araw at wala akong natandaang nagkasundo kami ni Travis. Pulos kami away at pagtatalo dahil halos lahat ng gawin ko ay kontra siya. I even punched him in front of my teacher kaya pinatawag si Mommy sa office. Napuno kasi ako sa pang-aasar n'ya na maliit pa rin ang boobs ko kahit teenager na ako. Nagalit noon si Daddy dahil kababaeng tao ko raw ay nakikipag-away ako sa lalaki at ang malala pa, sa isang Montemayor pa. Kaya ganoon na lang kasagad ang pagkamuhi ko sa kanya. Hindi ko na pinapatulan ang mga pang-aasar n'ya at dinadaan ko na lang siya sa talino kaya minsan natatapakan ko na ang ego n'ya na mas matalino ako kesa sa kanya. Wala namang kaso sa kanya iyon at mas lalong wala akong pakielam kung matapakan ko pa ang ego n'ya. Matalino rin naman siya, hindi nga lang maikakailang mas matalino ako sa kanya. Lagi akong top 1 ng klase habang siya naman ay laging pasok sa top 5. Naiirita rin ako sa kanya kapag maraming babae ang lumalapit sa kanya. Oo, g'wapo nga siya. Pero ang nakakainis lang, pinagkakalandakan n'yang gwapo talaga siya. Hindi man lang ata nauso sa kanya ang salitang, humble.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon