Chapter Forty Three

249K 6.6K 1K
                                    

FORTY THREE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

Umiyak ako ng umiyak ng gabing iyon. Halos hindi na ako nakatulog dahil sa kakaiyak. Pilit kong hinahanap kung ano ba ang nagawa kong mali para gawin niya sa akin ito, para saktan niya ako ng ganito.

Hindi ko alam kung nagkulang ba ako o hindi lang talaga sapat 'yong pagmamahal na ibinigay at ipinaramdam ko para sa kanya. Hindi ko alam kung ako ba ang nagkulang sa relasyong naming ito, kung ako ba iyong may mali, o kung kasalanan ko ba ang lahat ng ito.

Akala ko dati, babae lang ang mahirap intindihin. Hindi ko alam na mas mahirap palang intindihin ang mga lalaki.

Ang sakit-sakit kasi akala ko naibigay ko na ang lahat, na akala ko naiparamdam ko na sa kanya 'yong tunay kong nararamdaman sa kanya. Akala ko sapat na 'yong pagmamahal na ipinaparamdam ko sa kanya para mahalin niya rin ako pabalik. Hindi ko alam na kulang pa pala, na hindi pa pala sapat. Siguro nga, hindi ako ang tamang babae sa kanya dahil hinding-hindi babagay ang mga lalaking tulad niya sa babaeng kagaya ko.

Oo, nasaktan ako. Sino ba naman ako para hindi masaktan? Tao lang din naman ako at nakakaramdam ng sakit. Ang masama lang, sobra akong nasasaktan.

Matapang akong babae, hindi ako 'yong tipo na umiiyak sa mga lalaking manloloko. I curse them to hell and I hate those men who were cheating to their girlfriends. Galit na galit ako sa mga lalaking paasa, manloloko at akala mo kung sinong gwapo para manakit ng babae.

Galit na galit ako at iyon ang nararamdaman ko ngayon kay Travis. Kinamumuhian ko siya dahil akala ko, iba siya sa mga lalaking kinamumuhian ko noon. Nagkamali ako, hindi pala siya naiba sa mga lalaking kilala ko noon.

Marahas kong pinahid ang mga luhang patuloy na bumabagsak mula sa mga mata ko ng makarinig ako ng katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Bukas 'yan." Pinilit kong maging normal ang boses ko kahit na alam kong garalgal iyon. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng kwarto ko.

"Anak..." Boses iyon ng Daddy ko. Lalo akong naiyak dahil doon ko lang narealize na mayroon pa palang lalaki na mamahalin ako ng sobra at hinding-hindi ako sasaktan, ang Daddy ko.

Umupo siya sa gilid ng kama ko at hindi ko napigilan ang pag-iyak ko. Pilitin ko man pero pilit na kumakawala ang mga hikbi ko tanda na nasasaktan ako.

"Jeorge, anak. Andito si Daddy." Mahina niyang sabi. Tinanggal ko ang kumot na tumatalukbong sa akin at agad na niyakap ang Daddy ko. Doon ay mas ibinuhos ko ang sakit na nararamdaman ko, ang sakit na dulot ng unang lalaking minahal ko.

"Daddy ang sakit, sobrang sakit." Mahina kong sabi habang mahigpit akong nakayakap sa Daddy ko.

Mahigpit lamang akong niyakap ng Daddy ko at hinayaan niya lang akong umiyak ng umiyak sa bisig niya. Pakiramdam ko, protektadong protektado ako sa mga yakap niya.

"Daddy, I'm sorry." Paulit-ulit kong sabi sa Daddy ko. Gusto kong mag-sorry sa kanya dahil sa mga kasalanan na nagawa ko.

"Shhh, ayokong makitang umiyak ang baby girl ko. Ang pangit mo na nga, pumapangit ka pa lalo." Natatawa niyang sabi sa akin. Humiwalay ako sa Daddy ko at sumimangot sa kanya.

"Nakakainis ka naman, Daddy eh. Kita mong nag-eemote ako rito tapos pinapatawa mo ako!" Hindi ko na napigilan ang mapangiti.

"O kitams? Ang ganda ng baby girl ko kapag ngumingiti!" Sabi pa ni Daddy. Lalo naman akong napangiti.

"Salamat, Daddy." Sabi ko sabay yakap ulit sa kanya.

"Ayokong makita kang umiiyak, okay? Dumaan din kami ng Mommy mo sa ganyan at nalagpasan namin ang ganyan kaya alam ko ang nararamdaman mo. Pinaiyak din kasi ako ng Mommy mo dati eh, pinagselos niya ako sa first love niya." Natatawa niyang sabi.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon