Update Eight

5.9K 329 63
                                    

Asia's POV

"Dalhin mo rin 'to, at eto," naririnig kong sabi ni mama kahit nasa labas pa lang ako. "Ano ba daw oras ang call time?"

"Sabi po eh mga 4," rinig kong sagot ni ate Ami kaya napahawak ako ng mahigpit sa invitation (kung nasaan ang programa) ng aming graduation.

Lumapit ako sa may pinto ng aming bahay (dahil bukas ang gate) at dahil may malapit na bintana doon ay sumilip ako at nakita kong umuwi pala si ate Ami.

"O h'wag mong kalilimutang inumin 'tong gamot mo," sabi pa ni mama na todo lagay at ayos sa mga gamit ni ate Ami.

Si ate naman, tango lang ng tango, busy sa pag cecellphone. Siguro nag wi-Wi-Fi.

Pinihit ko yung pinto at nakita kong napatingin sa'kin si ate Ami.

"Waaah Asia!!!" bati niya sa'kin na may pagtayo pa at niyakap ako. "May klase pa kayo sa Monday?"

Well, graduation lang naman namin 'yun so...

"Kelan ba graduation niyo?" tanong pa niya.

Tumingin ako kay mama. Nakita kong napatingin rin siya sa'kin.

"Sa Monday, ate," sagot ko.

Halata kong napahinto si ate Ami, "Eh? Ay siya, mama, h'wag na kayong sumama sa'kin. Graduation pala ni Asia!"

"Naku, graduation lang 'yun," panimula ni mama. "Wala naman akong gagawin doon kundi tumunganga."

Tumingin sa'kin si mama, "Isama mo na lang ang ate Filipina mo. Siguradong uuwe 'yun para sa'yo."

"Ma naman!" rinig kong sabi ni ate. "Nanay kayo no. Iba pa rin kung magulang di ba!"

"Ala, nakapag bagahe na ko. Ako ga'y sasabikin mo lamang sa pagpunta doon? Bibisitahin ko rin yung kapatid ko. May malubha yung karamdaman."

Nakita kong kumunot ang noo ni ate na parang tinatanong kay mama kung paano niya 'yun nasasabi sa akin.

Tumingin muna sa kisame yung mga mata ko bago ako ngumiti kay ate, "Na-text ko na naman si ate Filipina... Kaya, isama mo na si mama sa London."

"Eh----"

"Geh ate, magbibihis pa ko," sabi ko at nagsimula nang maglakad papunta sa kwarto ko.

"Eh? Teka! Nakakain ka na, Asia?" pahabol na tanong ni ate habang umaakyat ako.

"Mm!!!" sagot ko na may pagtango pa.

Sasabihin ko sanang "Nakakain na ako" pero alam kong hindi ko na magagawa kase pustahan malalaman nilang naiiyak ako.

Paniguradong mag cra-crack lang yung boses ko.

Nakatalikod naman ako kaya sigurado akong hindi nila napansin.

Hay...

Ewan ko ba.

Hindi ko alam kung mababaw ba 'to, pero... Naiiyak ako.

Sa sobra-sobrang effort na ginawa ko, kulang pa rin pala.

Kulang pa rin para ako ang iuna niya sa mga bagay-bagay.

Kailangan ko pa yatang magkaroon ng malubhang sakit eh.

Sabagay, hindi rin siguro. Baka nga mas itakwil ako ni mama pag magkaroon ako ng sakit eh. Iisipin na naman niyang gastos na naman ako at isang kamalasan sa buhay niya.

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon