Update Seventeen

1.9K 140 35
                                    

Asia's POV

"Hello ate?" bungad ko.
"(Nasan ka na?)"
"Nasa ano..."
"(Ang dami ng media sa labas ng building.)"
"Nasan ka ba ate?"
"(Nasa condo.)"
"Wala ka sa bahay?" tanong ko atsaka umupo.

Napansin kong umupo rin si Jolo at nakatingin sa'kin.

"(Di mo alam?)"
"Ang alin?"
"(Sabi ni mama pupuntahan mo ko dito at ikaw dito.)"

Ano daw?

"Anong d'yan?"
"(Pupuntahan mo daw ako dito tapos gumawa ka raw ng paraan na ikaw ang mapansin pag lumabas ako sa building)"

Lah?! Pano naman 'yun?!

"(Dalian mo please...)" parang naiiyak niyang sabi.

"Umm okay. Pupunta na."

As if may magagawa ako. Palamunin lang naman ako. Saka nakakaawa rin si ate. :(

Binaba niya 'yung tawag kaya binaba ko na 'din.

Tiningnan ko naman mga messages para tingnan kung nagtext si mama.

Nagtext nga siya at ang sabi: "Puntahan m si amy. Ikw n bahala pano siya mkkuwi basta khit siya lng"

Hahahahaha. Grabi naman. Isang ina ba 'yung hahayaang mapahamak 'yung isa niyang anak para lang dun sa isa? Pwede namang parehong umuwi.

"Ah, Jolo," tawag ko.

Pagtingin ko sa kanya parang nakatutok 'yung phone niya sa'kin.

Nang mapansin niya atang nakita ko eh iniba niya agad 'yung pwesto saka nagkamot ng batok.

"Hina signal."

Napatingin naman ako dun sa signal. Full naman sa'kin ah.

Pinipicture-an ba ko nito o feeler na naman ako?

"Ano nga pala 'yun?" tanong niya.

"Ah. Ano kasi, may pupuntahan pala ko."

"San ka pupunta? Gabi na."

"Eh pupuntahan ko si ate," sagot ko.

"Saan? Nasaan ba siya?"

"Condo."

Nakatitig lang siya atsaka tiningnan 'yung orasan. "Mag twelve na."

"Oo nga. Kaso sabi ni mama pumunta ko dun eh."

"Baka maraming media dun."

"Yun nga, itatakas ko si ate."

"Delikado," agad niyang sabi.

"Nasan ba manager niya? Driver?" tanong niya pa.

"Ewan ko."

"Mas mapupuntahan siya sa bahay."

"Eh kasi..."

"Ah, sige, samahan kita," agad niyang sabi. "San ba?"

- - -

Miko's POV

Hindi ako makatulog.

Tinitigan ko 'yung orasan at nakita kong malapit na mag 12.

Wala ko magawa kaya kinuha ko phone ko at binuksan wattpad ko.

Pagtingin ko sa notifs, tambak na tambak mga messages. Pustahan may pm na naman akong nagsasabi na snob ako.

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon