Update Four

8.5K 412 62
                                    

Asia's POV

⇨Huli na ba?♩♬

⇨Huli na ba?♬♩

⇨Ikaw nga ba'y mahal na?♩♬

⇨Talaga bang hindi mo na malalaman pa♬♩

⇨Ang tunay kong nararamdaman?♩♬

⇨Paano na?♬♩

⇨Paano na?♩♬

⇨Ang puso kong ikaw ang laman?♬♩

⇨Ibubulong ko na nga lang ba sa hangin ang♩♬

⇨Salitang 'mahal kita'?♬♩

Nanunuod ako ng TV habang inuubos ko itong isang buong roasted chicken na binili ko nung umuwi.

Gutom na gutom kasi ako dahil kakatapos lang naming mag defense. At yes, 1 week rin akong puyat dun. Eh pa'no? Ako lang ang gumawa dahil lahat ng mga ka-miyembro ko e puro walang kwents. Buti naman at nagbayad sila ng P200 each. Aba e perfect score ga naman kame, eh aangal pa ga? Dami ko rin nagastos sa paulet ulet na print dun no.

Finocus naman yung camera kay Jolo na kasalukuyang kumakanta.

Eyyy!!! Gwapo niya talaga forever!!!

Kinuha ko yung 1.5L na coke sa may mesa at uminom dun. Mehehe. Buti walang tao sa bahay. As usual, nasa kung saang lupalop na naman ng Pilipinas si mama. Sinundan na naman si ate Ami. Manunuway na naman 'yun kung may behavior si ate na hindi magandang tingnan.

Nanunuod ako nang may magtext sa'kin.

Precious: uy tara sa SM!

Ako: bakit may ano don?

Precious: may mall show

Ako: sino?

Precious: team rookies

Ako: luh kaw na lang

Precious: mall show ng sazee! ung group nina loureine!

Lou... reine...

Sinong Loureine?

Tinatap ko na yung reply kong 'hindi ko kilala 'yon' nang mapatigil ako at maalala ko si Loureine!

Kaklase ko nung elem si Loureine tapos bestfriends turingan namin. Di na nga lang kami nakakapag contact sa isa't isa these days pero ka-comment-an ko pa rin naman siya sa Facebook so... Ayun. Feeling ko close pa rin kame.

Eh kase last month, nalaman na lang namin na miyembro pala siya nung grupong Sazee (pronounced as 'Sassy'). Eh under sila nung company nina Jolo! So siguro, kaya hindi na kami nakakapagbonding eh dahil busy siya.

Anyway, ang swerte niya di ba? Kung may boses lang ako, nakasugod na ako dun. Pero wala eh. Ni di ko nga mabasa ang tamang nota. Mehehe. Ayoko namang artista nga, puro auto-tune naman!

Pagdating namin sa SM, haba ng pila. May tatlo palang grupo ang magpeperform eh. Puro mga team rookies. Pero yung grupong Eyecon, kahit rookie (baguhan) dami agad na fans.

"Uy, gwapo spotted!" rinig kong sabi ni Precious na may kilig pa.

May tinuro-turo siya pero hindi ko naman makita.

"Wala naman eh!" sabi ko kase halos maputol na leeg ko sa kakatingin at kakahanap nung tinuturo niya e di ko pa ren makita.

"Hay nako! Yun o! Yung naka-v-neck na grey!" sabi pa niya kaya naghanap ako.

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon