Update One

20.9K 668 162
                                    

Kung tatanungin mo ako,

"Asia! May assignment daw ba?"

At hindi ako tumingin sa'yo,

"Nako!"

Iisa lang ang ibig sabihin nun.

"Hindi ka na naman mapakali sa mangyayari sa YWDS (You, Who Doesn't Smile), ano?"

Tumingin ako kay Precious na siyang nasa harap ko at binigyan siya ng peace sign.

"Hintayin mo na lang kase ang update niya, kesa ikaw itong isip ng isip!"

Napanguso ako, "Eh ang tagal kase!"

Inayos ko yung buhok ko, "Pa'no kung mas pinili ni Mica si Gerald? Paano na si Neil?!"

"Affected masyado 'to! Hayaan mo nang magkahiwalay sila ng landas."

"Ang masochist neto!" sabi ko sabay tingin sa orasan. "Teka? Ang tagal yata dumating ni Ma'am?"

"Malamang matagal 'yon. Tagal nun maglakad, paano pa kaya umakyat?"

"Grabe, ginaganyan niyo si Ma'am. Pinipilit lang niya magtrabaho para mapag-aral yung anak niya tapos lolokohin niyo pa. Hirap na ngang magturo't matanda na."

"Oo nga!" singit ni Tricia. "H'wag niyo ngang ganunin si Ma'am. Grabe, basahin niyo yung 'Mama ang kailangan ko, hindi si Ma'am'. Baka tumulo uhog niyo. Matauhan pa kayo. Di ba, Asia?"

"Oo. Basahin niyo yun. Short story yun ni Yuokim!"

"Grabe 'tong si Asia; ang lakas maka-impluwensiya. Hugot ng hugot- este promote ng promote! Yung totoo? May commission ka ba kay Yuokim kada promote mo?" tatawa-tawang sabi ni Precious. "Baka ikaw si Yuokim ah!"

"Grabe. Kung ako 'yon, talagang ipagsisigawan ko sa buong Asia," sabi ko. "Wala akong commission no. Kahit hindi ko naman i-promote, may magbabasa't magbabasa nung mga kwento niya. Puno kaya ng aral, di tulad nung mga kwentong binabasa niyong SPG!"

"Nahiya naman ako sa'yo! Parang hindi mo binasa yung..."

"Oh? Binasa niyo rin naman 'yon ah! Damay damay na 'to!"

Bigla namang bumukas ang pinto kaya nagtayuan kami para batiin si Ma'am. Nang pinaupo kami, pinabuksan sa amin ang aming computer units at pinadownload ang isang ppt doon sa isang website.

Dahil tapos ko nang idownload at nakatulala lang naman ako na parang shungei, magpapakilala na lang ako.

Ako nga pala si Anastacia Diaz. Tawagin niyo na lang akong Asia kaysa ma-mispronounced niyo pang anesthesia.

16 na ako at next school year, magiging college na ako (sa wakas).

Kasalukuyan, last grading period na namin. Meaning, malapit na ang Finals at malapit na rin kaming grumaduate.

Special Science nga pala ako kaya ako na!

Unfortunately, top 2 lang ako kase pinalamang ko sa aking ultimate crush na si Jolo Gonzaga ang unang pwesto.

Artista kase siya kaya hindi laging pumapasok. Ganunpaman, alam ko namang matalino siya, yun lang mas matalino ako kung tutuusin. Pero, may puntos kase sa school yung pagiging artista niya. Lalo na't pasikat na siya.

Kung bakit ganun ang sistema, hindi ko alam. Siguro mas angat talaga ang extra-curricular no?

Pero ayos lang talaga! As in! At least, sa akin siya lumalapit tuwing nagtatanong kung anu-ano yung mga na-miss niya sa school.

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon