Update Five

8.4K 447 59
                                    

Asia's POV

Gumising ako ng maaga para pumasok. Ritwal sabon at kuskos kahit dumugo here, ritwal paganda kahit ma-late there, ritwal pagpapacute sa salamin everywhere. And... Voila! Pwede na ang fez!

Paglabas ko ng kwarto, saka ko lang nalaman na may bisita pala kami.

Ang aga ha?

"Uy aba, si---"

Bago pa maituloy ni Tita Lourdes yung sasabihin niya, inunahan na ni mama ng paglagay ng iPhone sa mukha ni tita.

"Eto yung mga pinapadalang litrato ni Rico sa'kin!" sabi niya na ngising-ngisi. "Tingnan mo 'to. Eto yung nanalo sila ng Best Group award last year! Tapos ito naman yung Chanel bag na sinasabi ko sa'yo na hinihintay ko na lang na dumating."

Hindi ko napigilang mapa-irap kay mama habang todo bungisngis siya doon at pinagyayabang ang mga pinadadala ng mga kapatid kong de-brand na mga bag at pabango sa kanya.

Yun na nga yata yung kaligayahan niya e. Ang mag show off at magpaka-donya.

Naalala ko nga nung grade 5 pa ako, halos hindi na ako kumain para lang mabilhan siya ng cake sa birthday niya. Pero, pagdating ko sa bahay, puno na ng mamahaling cake ang bahay. Puno rin ng regalong mamahalin.

Pero hindi ako nag alinlangan. Binigay ko pa rin sa kanya yung cake na binili ko.

Pero imbis na sabihan niya ako ng thank you, palo pa yung inabot ko.

Akala niya kasi, nangupit ako ng pera sa kanya.

Nung 1st year naman ako, gumawa ako ng cake sa bahay. Birthday niya kasi.

Akala ko kasi, baka this time, maramdaman niya yung effort doon.

Pero mali ako.

Halos palayasin na nga niya ako sa bahay nang muntikan nang masunog yung bahay namin eh. Dun din sa araw na yun niya ako binansagang malas. Isang malas na anak na walang ginawa kundi magdala ng perwisyo.

Maya-maya ay narinig kong kinukwento na naman ni mama si ate Ami. Ang paborito niyang anak.

Tahimik na lang akong lumabas ng bahay. Ni hindi nga yata nila napansin yun eh.

Pagdating ko sa room, nalaman kong absent si Jolo.

Gandang balita yun ah. Letse yun! As usual!!! Sinayang ko yung mga beauty creams na nilagay ko sa mukha ha, srsly!!! Ang mahal pa naman din ng mga 'yun!

"Guys, P500 daw yung bayad sa Prom!" rinig kong anunsyo ng Presidente namin.

"Ang mahal naman!" agad na sabi nung isa.

"Eh naka catering daw kase," sagot naman ng aming Presidente. "Saka may mga guests daw kasi."

"H'wag na! H'wag na mag guest!"
"Oo nga. Daming bayarin e! Puro utang na nga mga magulang ko!"
"Ba't kase sunud-sunod?!"
"Oo nga?!"

"Pwede na magbayad?" singit ko kaya napatingin agad sila sa akin.

"Naks ang yaman talaga ni Asia!"
"Ikaw na mayaman!"
"Pautang naman!"

Tinawanan ko lang sila.
Wala e, yaman ko! Hahaha de joke!

Sinusustentuhan(?) kase ako ng kapatid ko e. Hindi man halata pero close kami ni ate Filipina hahaha! Yun lang, minsan lang siya umuwi e kaya hindi niyo pa siya nakikita.

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon