Update Sixteen

2.7K 153 60
                                    

Asia's POV

Busy pa ko sa pagtingin sa salamin kung nawala na ba yung pimple ko sa noo nang may kumatok sa pinto. Napatayo tuloy agad ako.

"Huy, bakit?" bungad kong tanong kay Jolo nang makita ko siya.

Napansin kong parang bagong ligo siya tapos basta parang ang smooth nung balat niya.

Siguro nag face mask or may nilagay pero basta parang glowing yung balat niya na parang may filter agad hahahahaha ahmeyhyszhiiing!

"Asia," panimula niya sabay tingin sa screen ng phone niya. "Pinapatanong nung manager ko kung sino daw kasama ko sa condo."

Hala?

Paaalisin pa ata ako huhu

"Ah? Bawal ba daw?" tanong ko.

"Hindi naman," sagot niya ng nakatitig sa'kin sabay ngiti out of the blue.

Grabe ang pogi kase parang nakangiti 'yung mata niya, omg anakan mo ko Jolo HAHAHAHAHA charot!

"Eh sabi niya nga lang need niya ng selfie," tuloy niya.

Hanu?

Selfie?!

Shocks, kakaalis ko lang nung light makeup ko!!!

Pero aarte pa ba ako?

"Ah, oki."

Nagsimula na siyang lumapit sa'ken tapos sabay kaming umikot kase naghanap pa kami ng lugar na medyo hindi against the light.

Nang makahanap kami ay nagsimula na siyang mag ayos ng buhok niya.

Pasimple lang naman akong nag-ayos ng buhok.

Kita ko doon sa screen ng phone niya na humahanap na siya ng anggulo niya.

Pero grabe guys! Lahat ng anggulo niya nakakalaglag panteeee!

Hindi ko naman alam kung ready na siya kase kanina pa siyang naghahanap ng anggulo kaya napatingin ako sa kanya.

But--

SOBRA NGA PALANG LAPIT NIYA SA AKIN KAYA ANG LAPIT NG MUKHA NIYA SAKEN OMG

Bigla namang nagpatak phone niya na siyang ikinatawa niya at dali-daling kinuha.

Binuksan niya ulit yung camera niya.

At... Gumagana naman.

Aba ang unfair no?! May favoritism!!!

Pagdating sa gwapo gumagana 'yung camera. Pagdating sa'kin, isang hulog lang sira na!

Ang unfair talaga nung author! Hmp!

Nag-ayos na siya ulit ng buhok tapos ako nag stay na lang sa pwesto ko.

Maya-maya ay ngumiti na siya kaya ngumiti na din ako.

Grabe talagang kagwapuhan nitong si Jolo o! Ang gwapo kahit walang filter!!!

"Isa pa, isa pa," dali-dali niyang sabi habang nag iiba ng posisyon.

Ramdam ko 'yung pag akbay niya sa akin na siya namang kinilig ng mga ugat at buto-buto ko sa katawan. Eeeeee!!! Para kaming mag syota eheheheheheheeee

Naka-anim ata kaming litrato.

"Sige sige thank you," sabi niya naman kaya tumango na lang ako.

Lumabas na siya sa kwarto at sinarhan 'yung pinto.

Hindi ko man lang nasabing pa-airdrop. Wala akong kopya eh!

Speaking of, lowbatt na nga pala 'yung phone ko!

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon