Update Eighteen

3.5K 204 93
                                    

Asia's POV

PAKING SHEEEEEEEET

Mamamatay na ata ako!!!

Katapusan ko na ba Lord?

Bwisit 'yung tumawag sa'kin!!! Mumultuhin kita talaga!!!

Pinikit ko na lang mga mata ko at nilagay ko 'yung kamay ko sa may tuktok ng ulo ko.

Inisip at nailista ko ang lahat ng mga bagay na pinagsisisihan kong hindi ko nagawa; pati na rin 'yung mga mali kong desisyon.

Sana pala humindi ako sa pagtakas kay ate.

Sana hindi ko na lang sinamahan si Miko sa audition niya kanina.

Sana dumiretso na lang ako sa bahay ng pinsan ko.

Ay hindi pala, okay lang 'yun nakapagpapicture naman ako kay Jolo.

Dapat pala hindi na ko humiram ng charger para hindi ko nareceive yung mga tawag ni mama.

Tapos sana pala umuo na lang ako sa alok ni Jolo na manuod ng TV o DVD.

Edi sana katabi ko siya at hindi ako mamamatay.

Sana talaga-----

Nakarinig ako ng tunog ng parang plastik at wala akong ganong masyadong naramdaman sa likod ko.

Pero hindi ko alam kung san ako bumagsak. Ang alam ko lang may naaamoy akong kakaiba.

"BWAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH"

Napabukas ako ng mata nang marinig ko ang tawa ni Miko na may halong pang aasar ata.

Siya ba 'yung tumawag sa'kin?!

Tiningnan ko ang paligid ko.

Ang una kong nakita ay itim na plastik 'yung pinagbagsakan ko.

Sunod ay mga bangaw.

Mapapa-ewwww na sana ako pero nakakita ako ng tatlong ipis malapit sa'kin.

Napatayo tuloy ako at napairit ng malakas.

Tumakbo agad ako papunta kay Miko para sapakin sana siya. Pero mabilis reflexes niya kaya napaiwas siya.

"H'wag kang lumapit amoy tae ka!" rinig ko pang sabi niya atsaka nagpahid ng pawis sa leeg.

Saka ko lang naman naamoy ang sarili ko.

At sheeeet mga bes, amoy basura nga ako!

"Kasalanan mo 'to!" sabi ko naman at akmang sasapakin siya.

"Eh kase naman!" panimula niya. "Magpapakamatay ka ba?! SORRY NA KASE!!!"

Ano? Anong magpapakamatay?!

HINDI KO PA NAPAPATUNAYAN SARILI KO KAY MAMA NO?! Hindi pa ko pwede mamatay!!!

"Sorry na hindi ko alam masasaktan ka sa sinabi ko kanina. May suicidal tendencies ka pala."

"Magpapakamatay? Akoo? Eh may kumot nga oh!?" sabi ko na may pagtingala pa para ituro sana 'yung kumot.

"Eh bakit ka ganon?! Mag eexhibition ka pa eh pwede ka namang umexit ng normal!"

"Hoy hindi ko kasalanan na 'yun ang iisipin mo," sabi ko sabay pamewang. "Obviously namang tumatakas ako!"

"At bakit ka tumatakas? May midnight date ka no?" tanong niya.

"Wala! May media kasi," sagot ko.

"Oh bakit ka tatakas sa media eh hindi ka naman artista---"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 27, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon