Update Ten

5.4K 312 65
                                    

Asia's POV

"So this is CE Block 1? English 1?" tanong nung prof yata namin.

"Yes Ma'am," sagot namin kaya pumasok siya sa room at nilapag yung bag sa may mesa.

Umupo siya, "Okay," panimula niya. "So... Tutal lahat kayo ay first years, at medyo nangangapa pa sa mga kaklase, let's do some introductions."

"But before that, get 1/4 sheet and write your name," utos niya kaya nagkuhanan kami ng papel.

Napansin kong sagana ang lahat sa papel...

"Oi tae," rinig kong bulong na tawag sa'kin nung kilala niyo na. "Penge."

... Maliban sa isa -_-

"Ayoko nga," sabi ko at binile-an ko siya. Bleh! :P

"Tch," ang nasabi na lang niya atsaka tumingin sa may kabilang side.

At dahil malayo sila e hindi siya makahingi.

Tumingin ulit siya sa'kin, "Dali na!"

Magsasalita pa sana ako nang makita kong may tumayong babae at binigyan siya ng papel.

May pag-ayos pa siya ng buhok, atsaka bumalik din sa kanyang upuan.

Tumingin siya sa'kin at nag "Tsk!"

Akala ko doon lang matatapos pero dinagdagan pa niya, "Ang gwapo ko kase eh."

Napa-irap na lang ako at ginawa na lang yung pinagagawa ni Ma'am.

Matapos naman 'yon ay pinapasa na. Nagsimula na rin ang pagpapakilala.

Eto naman yung format: Name, Age, yung school mo nung Highschool, kung bakit mo pinili mag Civil Engineering at yung expectation mo sa subject.

Todo naman ako sa pakikinig para makilala ko sila.
As if naman matatandaan ko lahat sila. LOL!

"I'm Miko Uy, 16... From Sandoval's All Boys' High," panimula niya. "I chose this course because I want to be an Engineer."

Nakatingin ang halos lahat sa kanya.

"And... I'm expecting that this subject will help me in my current work."

Work? Nagtratrabaho siya? WEHH?

"You're working, Mr. Uy?" tanong ni Ma'am.

"Yes Ma'am," sagot niya.

"What work?"

"... Hardwork..."

Napatahimik kaming lahat.

Tapos maya-maya naghagalpakan yung mga babae sa kakatawa.

Letse!

Ang waley kaya!!!

Bakit sinasabi nilang ang havey?!

Aish! Masyado lang biased yung mga kaklase ko't may itsura yung nagjoke! Pesteng buhay 'to! Sana nag comedian na lang lahat ng taong may itsura kung ganon!

Tumingin sa'kin si Ma'am kaya tumayo na ako. Tumigil naman sa kakatawa yung mga babae.

"I'm Anastacia Diaz, 16. From K's Co-Ed' High---"

"Oh? Yung school malapit kina Mr. Uy?" tanong ni Ma'am.

"Yes Ma'am," sagot ko.

Ipagpapatuloy ko na sana yung sinasabi ko kaya lang tinanong ulit ako ni Ma'am, "So nakikita mo si Mr. Uy?"

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon