Update Seven

6.3K 347 59
                                    

< 2 days later >

Jolo's POV

"Ano ga naman yang sobrang tinititigang masyado diyan?"

Agad kong tinago ang phone ko nang makita ko si Dex na sinisilip umano ang aking tinitingnan sa Facebook.

"Nakatambay ka na naman ba sa anti-page?" tanong niya.

"Hindi," agad kong sabi. "May tinitingnan lang ako."

Nakita kong umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan ko si Lance, "Asos, nakatambay na naman yan sa profile ni Asia."

"Hindi ah," agad kong tanggi. "Lakas niyo ga mang-asar!"

Umupo rin si Dex sa tabi ni Lance. "Ulul! H'wag mong sabihing, tinitingnan mo na naman yung photos niya?!"

"Sinabi mo pa! Kulang na lang e i-like!" sabi naman ni Lance.

"Ala, e paano ga niyan i-lilike e, hindi naman siya ang parating kasama!" tatawa-tawang singit sa usapan ni Harold na kakatapos lang maayusan ni ate Leslie. "Bagal bagal kasi eh, tsk tsk!"

"H'wag nga kayong magulo!" inis na sabi ko. "Pasalamat nga kayo at sinipot ko kayo kahapon e!"

"Wooo chill!" Lumapit sa'kin si Harold at minesahe yung balikat ko. "Under contract tayo pre. Walang sisihan kung mag conflict man ang schedule naten sa personal businesses."

"Ssshh. Kahapon pa yan badtrip. Ikaw kase Lance e. Pinasimulan mo pa," rinig kong bulong ni Dex.

"Malay ko bang mainit pa rin ang ulo!" nanlalaki ang matang mahinang sabi ni Harold kay Dex.

"Oi, stahp," rinig ko namang sabi ni Harold.

Tumahimik naman ng mga isang minuto.

"Connection!" tawag sa amin ng manager namin. "Punta na sa studio."

Tumayo ako at sumunod sila sa akin.

"Jolo, ngiti naman," utos sa akin ni manager kaya pinili kong ngumiti.

Hays.

Alam mo yung... Yung tipong... Sobrang asar ka na sobrang badtrip ka na sobrang 'bakit ganon?' feeling?

Nakaka-asar naman kase eh!

Bakit walang nagsabing may prom pala kame?!

Ni hindi man lang sa akin sinabi ng guro namin! Kaasar eh!

Yun na nga lang, hindi pa nasabe eh. Kainamana namang mga tao dine!

Tapos kahapon, makikita ko, may prom date yung crush ko?! At dun pa sa unggoy na si Joshuang 'yun! Kaasar!!!

Hindi lang yun! Sila pang dalawa ang nanalong prom queen & king!!! WTF, THAT SHOULD BE ME AND MY CRUSH!!! P*ta! Ang saklap! Mas gwapo naman ako dun sa Joshua na 'yun!

Kaya sorry crush,

Kahit sobrang ganda mo sa bago mong profile picture, hindi ko yan ililike!!! I-crop mo muna yung mukha nung unggoy na kasama mo! Nakakainis naman at ang dami pang naglilike! Idagdag mo pa 'tong mga comments na puro puso ang laman! Tapos may mga nagsasabing sweet daw at bagay daw sila! Nako! Kung pwede lang idelete!

...

L*ntek! Para kong babae! Mas naasar pa ata ako dito kesa dun sa mga netizens na ayaw sa akin. Pero nakakainis naman kase talaga e. Last year na 'to e. Hinde na ko papasok next school year e. Intindihin niyo naman ako, please. Ang saket saket e. Sobrang gusto ko yung tao e. Tapos, tingnan mo! Ito yung unang beses na nagprofile picture siya na may kasamang lalake!

(ONHOLD) Prologue to LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon